Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Exempted na sa Evaluation ang mga 80 Anyos Pataas sa Pag-aapply ng Dayuhang Caregiver; Mga Pamilyang May Malubhang Sakit ang Bibigyan ng Prayoridad

09/07/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 何薇薇
勞動部、logo。資料照。
勞動部、logo。資料照。

Hindi na kailangang sumailalim sa medical evaluation ng institusyong medikal ang mga matatandang may edad 80 pataas na nais kumuha ng dayuhang tagapag-alaga (foreign caregiver) — aprubado na ang batas para rito. Upang maiwasan ang negatibong epekto sa mga pamilyang may pasyenteng may malubhang karamdaman, inihayag ngayong ika-3 ng Hulyo ng Ministry of Labor (MOL) na sa mga susunod na aplikasyon, ang mga pamilyang may malubhang kondisyon ang unang bibigyan ng prayoridad sa mga kaso ng lokal na pag-transfer ng dayuhang manggagawa.

Noong nakaraang taon, inaprubahan ng Legislative Yuan sa ikatlong pagbasa ang pag-amyenda sa Article 46 ng Employment Service Act, na nagsasaad na ang mga matatandang may edad 80 pataas ay maaaring kumuha ng dayuhang caregiver nang hindi na kailangan ng medical evaluation mula sa ospital o institusyong medikal. Pagkaraan nito, ipinahayag na rin ang batas sa pamamagitan ng kautusan ng Pangulo. Gayunpaman, isinasaalang-alang ng MOL na maaaring maapektuhan ang mga pamilyang may pasyenteng kritikal, kaya't kasalukuyang isinasagawa ang mga kinakailangang paghahanda. Target nilang ipatupad ang bagong alituntunin sa katapusan ng Hulyo.

Ipinahayag ni Minister of Labor Hsu Shen-Hsien kamakailan na ipapatupad ang isang double-track system upang mabigyan ng mas malaking suporta at kaginhawahan ang mga pamilyang may malubhang sakit. Inaanyayahan ng MOL ang mga eksperto sa long-term care, mga medikal na propesyonal, at mga grupo ng matatanda at migranteng manggagawa upang talakayin at isapinal ang mga pagbabago sa administratibong regulasyon. Layunin nitong magkaroon ng malinaw na paghihiwalay ng pagpoproseso ng aplikasyon ng mga critical at regular na kaso, upang mabigyang-prayoridad ang mga nangangailangan.

Ayon kay Su Yu-Kuo, pinuno ng Transnational Labor Management Division ng MOL, sa isang media interview ngayong araw, tinatayang tataas ang bilang ng matatandang mag-aapply ng dayuhang caregiver ng halos 100,000 matapos ang pagpasa ng Article 46. Sa panahon ding ito, nakatanggap sila ng mga feedback mula sa mga employer groups at samahan ng matatanda at may kapansanan, na nagpapahayag ng pag-aalala na baka maapektuhan ang karapatan ng mga may malubhang karamdaman dahil sa biglang dagsa ng aplikante.

Sinabi ni Su na sisikapin ng MOL na bawasan ang epekto sa pamamagitan ng maayos na administratibong sistema. Ang mga kaso ng malubhang kondisyon ay ibubukod at uunahing iproseso—mula sa unang hakbang ng kwalipikasyon, rekomendasyon ng lokal na caregiver, recruitment permit application, pagpili ng manggagawa, hanggang sa visa processing. I-aadjust ang mga regulasyon upang matiyak na ang mga may seryosong pangangailangan ay uunahing mapagsilbihan.

Dagdag pa ni Su, ang kasalukuyang average na processing time para sa aplikasyon ng foreign caregiver ay 2 hanggang 3 buwan. Sa bagong sistema, layunin nilang mapabilis ito sa mas mababa sa 2 buwan para sa mga critical cases. Samantalang ang mga regular na pamilya ay inaasahang aabot sa 3 buwan o higit pa, depende pa rin sa dami ng aplikasyong natatanggap.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解