Ayon sa Tourism Administration ng Ministry of Transportation nuong (Hulyo 8), tatlong national scenic area sa Taiwan — ang Sun Moon Lake, Penghu, at North Coast at Guanyinshan — ay ginawaran ng Green Destinations Awards ngayong taon.
Ang Green Destinations Certification Program ay pinagsamang inisyatibo ng Green Destinations at ng Quality Coast Tourism Alliance, at alinsunod sa Global Sustainable Tourism Criteria (GSTC). Mayroong 84 na sustainability indicators sa programa upang tulungan ang mga kalahok na destinasyon sa pagtatatag ng lokalisadong mekanismo ng pangmatagalang pamamahala.
Ayon sa press release ng Tourism Administration ngayong araw, ang mga pinarangalan ngayong taon ay ang mga sumusunod:
Ang Sun Moon Lake National Scenic Area ay unang nakatanggap ng Silver-level certification noong 2022. Matapos ang matagumpay na re-evaluation ngayong taon, muli itong pinarangalan ng Silver Award, na nagpapakita ng patuloy na pagsunod nito sa mga international sustainability standards.
Ang Penghu National Scenic Area, matapos ang tatlong taon ng paghahanda, ay unang beses ngayong taon na nakatanggap ng Silver Award mula sa Quality Coast, at ito rin ang kauna-unahang offshore island scenic area sa Taiwan na nakatanggap ng ganitong karangalan.
Samantala, ang North Coast at Guanyinshan National Scenic Area ay ginawaran ng Bronze-level certification. Ito ay karagdagang tagumpay matapos itong mapabilang sa "Top 100 Green Destinations Stories Awards" noong 2023 at 2024.