Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwan at Poland Magkasama sa Pagtaguyod ng Kapayapaan at Demokrasya

03/10/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Lin Chia-lung recently visited Poland and hosted a luncheon for Polish parliamentarians who strongly support Taiwan (Photo from Lin Chia-lung’s Facebook).
Lin Chia-lung recently visited Poland and hosted a luncheon for Polish parliamentarians who strongly support Taiwan (Photo from Lin Chia-lung’s Facebook).

Sa usapin ng ugnayan ng Taiwan at Poland, sinabi ni Kalihim ng Ugnayang Panlabas Lin Chia-lung noong Oktubre 2 sa isang post sa social media na nakababahala ang insidente ng paglabag ng Russian drone sa himpapawid ng Poland. Ayon sa kanya, ipinapakita nito na malapit na magkaugnay ang seguridad sa Indo-Pacific at Europa. Sa harap ng lumalakas na ugnayan ng mga awtoritaryong bansa tulad ng China, Russia, North Korea at Iran, mas kailangan umanong magkaisa ang mga demokrasya. Idiniin niya na likas na matatag na katuwang ang Taiwan at Poland at kailangang magtulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Binigyang-diin din ni Lin na matagal nang nakabatay sa kalayaan, demokrasya at karapatang pantao ang ugnayan ng Taiwan at Poland. Lumawak ang kanilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan tulad ng kalakalan at pamumuhunan, pagpapatupad ng batas, at inobasyon sa agham at teknolohiya. Noong Hulyo, inanunsyo ng Taiwan ang pagpasok ng sariwang blueberry mula Poland kaya’t nakikinabang din ang mga mamamayan sa matamis na bunga ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Noong Setyembre 29, bumisita si Lin sa Poland at nagsalita sa Warsaw Security Forum. Nakipagpulong din siya sa mga mambabatas mula sa iba’t ibang bansa at nagdaos ng tanghalian para sa mga parlyamentaryong Polish na sumusuporta sa Taiwan. Dalawampung mambabatas ang dumalo, kabilang ang Pangalawang Pangulo ng Senado na si Michal Kaminski. Para kay Lin, malinaw na patunay ito ng matatag na suporta ng Kongreso ng Poland sa Taiwan.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解