Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

“Trump-Xi Meeting” did not touch on Taiwan issue; lawmakers: good for Taiwan. Presidential Office: welcomes U.S.-China dialogue. APEC delegation: shows U.S. stance on Taiwan unchanged

03/11/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
Gaganapin ang pulong ni Trump at Xi sa Busan, South Korea, sa ika-30.
Gaganapin ang pulong ni Trump at Xi sa Busan, South Korea, sa ika-30.

Natapos na ang pinakahihintay na “Trump-Xi Meeting,” at hindi natalakay ang isyu tungkol sa Taiwan. Sinabi ni Kuomintang legislator Lai Shyh-bao nuong (Oktubre 31) na ang hindi pagbanggit sa Taiwan ay pansamantalang magandang bagay para sa negosasyon sa kalakalan ng Taiwan at U.S., ngunit nababahala rin siya na maaaring makaapekto ang negosasyon sa kalakalan ng U.S. at China sa mga usapang taripa ng Taiwan at U.S. Aniya, kung tatagal pa ito, maaapektuhan ang mga maliliit at katamtamang negosyo sa Taiwan, kaya nananawagan siyang tapusin agad ang mga usapang ito.

 

Samantala, sinabi naman ni DPP legislator Wang Ting-yu sa panayam na matapos ang “Trump-Xi Meeting,” agad bumalik si U.S. President Donald Trump sa Amerika para dumalo sa Halloween party. Sa boarding bago umalis, kinumpirma nitong “wala ang Taiwan sa negosasyon,” ibig sabihin ay hindi ginagamit ang Taiwan bilang pangtawaran. Tugma ito sa matagal nang kasunduan sa pagitan ng Taiwan at U.S. — na ang Taiwan ay hindi dapat maging bargaining chip sa alinmang talakayan.

Idinagdag pa ni Wang na ang mga usapin tulad ng taripa o iba pang pang-ekonomikong paksa ay may kanya-kanyang komunikasyon na sa pagitan ng Taiwan at U.S., kaya hindi ito saklaw ng “Trump-Xi Meeting.”
Sinabi pa niya:

“Hindi pipilitin ng Amerika ang Taiwan na sumali sa negosasyon. Ang ugnayan ng Taiwan at Amerika ay hindi inilalagay sa negotiation table, gayundin ang pagbebenta ng armas ng Amerika sa Taiwan. Iyan ang naging prinsipyo ng diplomasya ng Taiwan at U.S. sa loob ng mga dekada — hindi ito tatalakayin kasama ng China. Kaya, ang hindi pagkasali ng Taiwan sa usapan ay isang mabuting bagay.”

Dagdag pa ni Wang, ang dalawang isyung gusto sanang pag-usapan ni Chinese President Xi Jinping ay tungkol sa Taiwan at sa mga restriksiyon sa teknolohiya, ngunit pareho itong hindi natalakay. Ipinapakita raw nito ang mas malalim na kahulugan sa aspeto ng pandaigdigang diplomasya at seguridad sa rehiyon.

Noong gabi ng ika-30 ng Oktubre, sinabi ng tagapagsalita ng Presidential Office na si Olivia Kuo na ang Taiwan ay patuloy na sumusubaybay sa nasabing pagpupulong, at ikinagagalak ang anumang komunikasyon sa pagitan ng mga lider ng U.S. at China. Dagdag pa niya, maayos at tuloy-tuloy ang komunikasyon ng Taiwan at U.S.

Ayon naman sa mga miyembro ng delegasyon ng Taiwan sa APEC, ang resulta ng pagpupulong nina Trump at Xi ay halos kapareho ng mga pahayag ng mga opisyal ng Amerika kamakailan, at tugma rin sa mga naunang pagsusuri ng Taiwan. Dahil dito, malinaw umanong hindi nagbago ang posisyon ng Amerika — hindi nito ipagpapalit ang Taiwan kapalit ng kasunduan sa kalakalan.


Bakit naman hindi binanggit ng China ang Taiwan? Ayon sa kanila, posibleng inisip ng China na hindi makakamit ang mga kondisyong gusto nila kung ipipilit ang isyung ito.

Binanggit din ng delegasyon na sinabi na noon ni Trump na “Taiwan is Taiwan,” at maging si U.S. Secretary of State Marco Rubio ay nagpahayag na hindi nila tatalakayin ang Taiwan. Ipinapakita raw nito ang pagiging consistent ng administrasyon ni Trump sa kanyang ikalawang termino pagdating sa Taiwan policy.

Isa pang miyembro ng delegasyon ang nagsabi na tumagal lamang ng 1 oras at 40 minuto ang pagpupulong, at kapag ibinawas ang oras ng interpretasyon, kakaunti lang ang aktwal na oras ng pag-uusap. Idinaos pa ito sa Gimhae Airport sa Busan, na mas hindi pormal kaysa sa mga naunang pagpupulong. Aniya, mukhang layunin lang ng pagpupulong na kumpirmahin ang mga napag-usapan sa mga nakaraang antas, kaya walang naging sorpresa.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解