Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

RTI Dumalo sa European Values Summit: Ibinahagi ang Karanasan ng Taiwan sa Katatagan ng Midya sa Panahon ng Cognitive Warfare

08/11/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
Dumalo si Rti advisor Li Mingli (kanan, pangalawa) sa European Values Summit sa Prague. (Rti)
Dumalo si Rti advisor Li Mingli (kanan, pangalawa) sa European Values Summit sa Prague. (Rti)

ng European Values Summit 2025 ay ginanap noong Nobyembre 5 sa Prague, Czech Republic. Si Li Ming-li, consultant ng Radio Taiwan International (RTI), ay inimbitahang dumalo at magbigay ng talumpati sa temang “Safeguarding Information Integrity in East Asia and Central Eastern Europe.” Ibinahagi niya sa mga delegado mula sa Europa ang karanasan ng Taiwan sa pagpapanatili ng katatagan ng midya sa gitna ng mga banta ng cognitive warfare at hybrid warfare.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Li na matapos ang buong pagsalakay ng Russia sa Ukraine noong 2022, agad na naglunsad ang RTI ng programa sa wikang Ukrainian — ang kauna-unahang public media sa Asya na nagbigay suporta sa Ukraine sa pamamagitan ng internasyonal na radyo. Aniya, ang digmaan ay nagpapaalala sa mundo na ang mga modernong labanan ay hindi lamang sa larangan ng militar, kundi pati sa impormasyon, kamalayan, at tiwala ng publiko.

Ipinahayag ni Li ang tatlong pangunahing papel ng RTI sa pagpapatatag ng katatagan ng midya sa Taiwan:

1️⃣ RTI bilang tulay ng Taiwan sa mundo. Bilang tanging multi-language public broadcaster ng bansa, gumagamit ito ng 20 wika sa shortwave, medium wave, at online platforms upang “iparinig sa mundo ang boses ng Taiwan.” Sa panahon ng sakuna, ito rin ang nagsisilbing lifeline ng bansa sa pakikipag-ugnayan sa labas.

2️⃣ RTI bilang tagapagtanggol ng katotohanan sa wikang Tsino. Sa matagal na panahon, kilala ang RTI sa patas at mapanuring pag-uulat tungkol sa mga isyung may kinalaman sa China, pagpapakita ng katotohanan sa ilalim ng awtoritaryong pamahalaan, at pagsusuri ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa — dahilan upang ituring itong isa sa mga nangungunang demokratikong midya sa wikang Tsino sa buong mundo.

3️⃣ RTI bilang tagapagpatatag ng katatagan ng lipunang Taiwanese sa pamamagitan ng multi-language broadcasting. Aktibong pinaglilingkuran ng RTI ang mga bagong residente at migranteng manggagawa sa Taiwan sa mga wikang Thai, Vietnamese, Indonesian, at Filipino. Sa ganitong paraan, natitiyak na sa panahon ng emerhensiya, nakatatanggap sila ng impormasyon sa sariling wika, na tumutulong sa mas inklusibong partisipasyon sa demokrasya at sa pagpapalakas ng social resilience.

Binigyang-diin ni Li na gumagamit ang mga midya ng pamahalaang Tsino ng napakalaking pondo at resources upang palaganapin ang cognitive warfare sa buong mundo — mula Asya hanggang Aprika at Latin America — at mas malawak pa ang saklaw ng Russia. Sa kabilang banda, humihina naman ang mga demokratikong public media dahil sa pagbawas ng badyet at pagsasara ng mga istasyon. Kaya nananawagan siya na “kung nagkakaisa ang mga awtoritaryong estado sa cognitive warfare, mas dapat magkaisa ang mga demokratikong bansa.” Hinikayat niya ang mga bansang Gitnang at Silangang Europa na palakasin ang pakikipagtulungan sa midya ng Taiwan upang sama-samang ipagtanggol ang impormasyon at mga demokratikong halaga.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解