Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Pambansang Pangulo ng Taiwan, Lai Ching-te: “Hindi Lang Turismo para sa Ekonomiya, Kundi Para sa Pagkakaibigan”

09/11/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
PD
Dumalo si Pangulong Lai Ching-te noong ika-7 ng Nobyembre sa pagbubukas ng 2025 ITF Taipei International Travel Fair sa Nangang Exhibition Hall 1 at kumuha ng larawan kasama sina Minister ng Transportasyon Chen Shih-kai at iba pang opisyal. (Kuha ni Zhang Xinwei, Central News Agency)
PD Dumalo si Pangulong Lai Ching-te noong ika-7 ng Nobyembre sa pagbubukas ng 2025 ITF Taipei International Travel Fair sa Nangang Exhibition Hall 1 at kumuha ng larawan kasama sina Minister ng Transportasyon Chen Shih-kai at iba pang opisyal. (Kuha ni Zhang Xinwei, Central News Agency)

Sa pagbubukas ng 2025 ITF Taipei International Travel Fair noong Nobyembre 7, binigyang-diin ni Pangulong Lai Ching-te na ang turismo ay hindi lamang dapat magsilbing haligi ng ekonomiya kundi maging tulay ng pagkakaibigan sa pagitan ng mga bansa. Sinabi niya, “Itaguyod natin ang bansa sa pamamagitan ng turismo, at gamitin ang turismo upang makipagkaibigan sa mundo.”

Ang travel fair, na inorganisa ng Taiwan Visitors Association, ay ginanap sa Nangang Exhibition Center at nilahukan ng 123 bansa at lungsod. Kasama ni Pangulong Lai sa pagbubukas sina Transport Minister Chen Shih-kai, Tourism Administration Director Chen Yu-hsiu, at Organizing Committee Chairperson Yeh Chu-lan.

Binanggit ng pangulo na dapat gamitin ng Taiwan ang yaman ng kalikasan, kultura, at masarap na pagkain upang paunlarin ang industriya ng turismo, na tinawag niyang “smokeless industry.” Noong nakaraang taon, umabot sa NT$837.8 bilyon ang halaga ng domestic tourism, at target niyang umabot ito sa NT$1 trilyon pagsapit ng 2030.

Gayunman, binigyang-diin niya na bagama’t umaabot sa NT$1.4 trilyon ang taunang gastusin ng mga Taiwanese sa turismo, NT$900 bilyon dito ay ginagastos sa abroad at NT$500 bilyon lamang sa lokal na turismo. Kaya’t kailangan pang palakasin ang domestic tourism.

Ayon sa kanya, “Dapat tulungan ng Ministry of Transportation ang mga lokal na negosyo na lumahok sa mga international travel fairs. Sa ganitong paraan, maaaring makipagkaibigan ang Taiwan sa ibang bansa sa pamamagitan ng turismo. Ang paglalakbay — lokal man o internasyonal — ay magandang paraan upang palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan at mga bansa.”

Binigyang-diin din ni Pangulong Lai na dapat gamitin ng Tourism Administration ang “Northern Tropic Summit” at “Smiling South Bay” bilang dalawang pambansang tatak upang itampok ang turismo ng Taiwan. Hinihikayat niya rin ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng malalaking kaganapan upang mapataas ang kalidad at kasikatan ng turismo, tulad ng pagturing sa Dapeng Bay bilang “Bali ng Taiwan” at Kenting bilang “Hawaii ng Taiwan.”

Pinaalalahanan din niya ang mga hotel at resort owners na ang kompetisyon ngayon ay hindi lamang sa pagitan ng mga kapitbahay na negosyo kundi pati ng mga karatig-lalawigan at maging ng mga bansa. Kaya dapat nilang gamitin ang siyam na long weekends at ang bagong patakaran na nagpapahintulot sa mga dayuhang manggagawa sa hotel industry upang mapabuti ang serbisyo at kalidad.

Tinapos niya ang talumpati sa pamamagitan ng panawagan na magkaisa ang lahat ng ahensya sa ilalim ng konseptong “Every Ministry is a Tourism Ministry” upang sama-samang buuin ang pambansang koponan na magpapasikat pa lalo sa tatak ng Taiwan sa pandaigdigang turismo.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解