Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Pagkain ng Sushi ni Pangulong Lai bilang Suporta sa Japan, Itinampok sa Japanese Metro at Iba’t Ibang International Media

22/11/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 呂曉倩
Photo from CNA.
Photo from CNA.

Nag-post si Pangulong Lai Ching-te noong ika-20 sa kaniyang mga social media accounts ng mga larawan habang kumakain ng sushi at iba pang produktong pandagat mula sa Japan, na agad namang umani ng malaking atensyon mula sa mga dayuhang media. Lumabas din sa Japan subway ang ulat ng Kyodo News na nagtatampok sa kanya habang kumakain ng sushi. Naiulat din ito sa NHK, CBS ng Amerika, Reuters, at iba pang pangunahing internasyonal na media.

Nagkaroon kamakailan ng tensyon matapos ang pahayag ni Punong Ministro Sanae Takaichi ng Japan tungkol sa “Taiwan contingency,” na ikinagalit ng China. Bilang tugon, nagpatupad ang Beijing ng ilang hakbang bilang parusa, kabilang ang pagbabawal ng pagbisita sa Japan at muling pagpapatigil ng pag-angkat ng produktong dagat mula sa Japan.

Sa kaniyang mga post sa FB, IG, Threads at X noong ika-20, sinabi ni Pangulong Lai: “Ang tanghalian ko ngayon ay sushi at miso soup,” at binanggit niyang mayroon itong yellowtail mula Kagoshima at scallops mula Hokkaido.

Ayon sa Kyodo News, ipinakita ni Pangulong Lai ang kaniyang suporta sa Japan sa pamamagitan ng pagkain ng mga produktong dagat nito. Sa news board ng Kyodo News sa Japan subway, mababasa ang pamagat na: “Taiwan President supports Japan with sushi lunch.” Ipinapaliwanag sa ulat na ang pagkain ni Lai ng sushi ay nakikita bilang simbolikong suporta sa Japan, lalo na’t muling ipinataw ng China ang import ban sa produktong dagat ng Japan.

Ibinahagi rin ng Japanese Senator na si Mizuho Umemura ang post ni Pangulong Lai sa X at sinabing: “Bukas kakain ako ng Taiwanese braised pork rice at mangga.” Isinulat din niya sa Chinese: “德不孤、必有鄰,非常感謝” (“Ang kabutihan ay hindi kailanman nag-iisa, palaging may kaalyado. Maraming salamat”), kasama ang watawat ng Taiwan at Japan.

Samantala, iniulat din ng malalaking media outlet ang post ni Pangulong Lai tungkol sa sushi, kabilang ang NHK, limang pangunahing pahayagan at TV networks ng Japan, dalawang pangunahing news agencies, pati na rin ang CBS ng U.S. at Reuters ng U.K.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解