Tinanggap ni Pangulong Lai Ching te ngayong araw ika 25 si Jabulani Mabuza ang Speaker ng House of Assembly ng Eswatini. Sinabi ng Pangulo na mahalagang kaalyado ng Taiwan sa Africa ang Eswatini at isa itong kaparehang may malaking potensyal sa pag unlad. Umaasa siyang lalalim pa ang ugnayan ng dalawang bansa at maging mahalagang base ang Eswatini para sa pagpasok ng Taiwan sa merkado ng Africa upang makalikha ng mas maraming pagkakataon para sa kooperasyon.
Sa pagtanggap ng Pangulo kay Mabuza sa Presidential Office, malugod niyang binati ang delegasyon. Ito ang unang pagbisita ni Mabuza sa Taiwan mula noong 2018 kung kailan pinirmahan niya ang economic cooperation agreement bilang Ministro ng Komersiyo at Kalakalan. Para sa Pangulo, malinaw na ipinapakita nito ang matibay na suporta ng Eswatini sa Taiwan at pagpapatuloy ng mas malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sinabi pa ng Pangulo na nakapag ipon ang Taiwan at Eswatini ng maraming kongkretong tagumpay sa larangan ng agrikultura, pampublikong kalusugan, edukasyon, pagpapalakas sa kababaihan at renewable energy. Binanggit niyang ang dalawang bansa ay magkatuwang sa pagtatayo ng bagong strategic oil storage na nagpapalakas sa energy security ng Eswatini at tumutulong sa pangmatagalang pag unlad ng bansa.
Pinagtibay ng Pangulo na ang Eswatini ay hindi lamang mahalagang kaalyado sa Africa kundi isa ring kaparehang may malaking potensyal upang mapaunlad ang kooperasyon. Umaasa siya na mas marami pang oportunidad ang mabubuo at maging pangunahing base ang Eswatini sa pagkonekta ng Taiwan sa merkado ng Africa. Pinasalamatan din niya ang Eswatini sa patuloy na pagsuporta sa Taiwan sa mga pandaigdigang usapin lalo na ang panawagan ni King Mswati the Third sa United Nations na itigil ang maling interpretasyon sa Resolution 2758 at bigyan ng espasyo ang Taiwan bilang bahagi ng prinsipyo ng UN na walang dapat maiwan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mabuza na ang Taiwan at Eswatini ay magkasamang humaharap sa mga hamon ng climate change at economic inequality. Naniniwala siyang may matututuhan ang dalawang bansa mula sa isa’t isa at maaaring magtulungan upang makahanap ng solusyon. Umaasa rin siyang mas lalalim pa ang ugnayan sa pamamagitan ng economic partnerships, cultural exchanges at iba pang uri ng kooperasyon upang makapagbukas ng bagong oportunidad at makapag ambag sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon at buong mundo.
Samantala, sinabi ni Foreign Minister Joseph Wu sa luncheon para sa delegasyon noong ika 24 na pinahahalagahan niya ang matibay na suporta ni Mabuza sa relasyon ng Taiwan at Eswatini at sa pagtatatag ng Taiwan Eswatini Relations Committee. Ipinahayag naman ni Mabuza na patuloy na susuportahan ng Eswatini ang internasyonal na pakikilahok ng Taiwan at mananatiling matatag sa pagtatanggol ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.