Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Panama IPAC Leaders: Handang Ibalik ang Friendship with Taiwan, Hindi Umurong sa Pressure

28/11/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Foreign Minister Lin Chia Lung (center) hosted a luncheon on the 27th for the Panama bipartisan parliamentary delegation. He posed for a group photo with Manuel Cohen (left 8), co chair of Panama’s Inter Parliamentary Alliance on China or IPAC, Roland Ameth De Gracia (right 8), also a co chair, along with the other members of the visiting group and guests. Photo courtesy of the Ministry of Foreign Affairs. Report by CNA reporter Yang Yao Ru.
Foreign Minister Lin Chia Lung (center) hosted a luncheon on the 27th for the Panama bipartisan parliamentary delegation. He posed for a group photo with Manuel Cohen (left 8), co chair of Panama’s Inter Parliamentary Alliance on China or IPAC, Roland Ameth De Gracia (right 8), also a co chair, along with the other members of the visiting group and guests. Photo courtesy of the Ministry of Foreign Affairs. Report by CNA reporter Yang Yao Ru.

Sa luncheon meeting noong 27, hinarap ni Foreign Minister Lin Chia Lung ang bipartisan parliamentary delegation mula Panama. Sabi niya, handang harapin ng Taiwan government ang relasyon ng dalawang bansa gamit ang open at practical na approach. Ang dalawang co chair ng Inter Parliamentary Alliance on China o IPAC mula Panama ay nagbigay diin na hindi nila nakalimutan ang maraming joint projects na pinagsamahan noon ng Taiwan at Panama. Dagdag nila, ang dahilan ng pagpunta nila ay para ibalik ang dating samahan ng dalawang bansa at hindi sila umatras kahit may pressure.

Pinangunahan nina Manuel Cohen at Roland Ameth De Gracia, kapwa co-chair ng IPAC sa Panama, ang siyam na kasaping delegasyon na bumisita sa Taiwan. Malugod silang tinanggap ni Minister Lin bilang kinatawan ng pamahalaan. Nagpahayag siya ng pasasalamat sa aktibong pagsuporta ng grupo sa pagpapalakas ng ugnayan at palitan sa pagitan ng Taiwan at Panama.

Binanggit ni Lin na ang Taiwan at Panama ay kapwa may mahalagang heopolitikal na posisyon. Ang Taiwan ay bahagi ng unang island chain sa Indo Pacific at ang Panama naman ay sentro ng rehiyon sa Amerika. Dagdag niya, napakahalaga ng papel ng industriya ng semiconductor ng Taiwan sa pag-unlad ng artificial intelligence at sa non China supply chain. Naniniwala siyang kung magsasanib pwersa ang dalawang bansa at gagamitin ang kani kanila nitong lakas at potensyal, maipapakita nila sa mundo ang isang bago at mas matatag na larawan.

Ipinahayag ni Lin na handa ang Taiwan na harapin ang ugnayan ng dalawang bansa nang may bukas na isip at praktikal na pananaw upang simulan ang isang bagong panahon ng pagkakaunawaan at kapwa pag unlad para sa Taiwan at Panama.

Ayon kay Cohen, ang mga kasapi ng delegasyon ay mula sa bagong henerasyon ng iba ibang partido sa Panama. Malaki ang kanilang paghanga sa Taiwan bilang huwaran ng demokrasya, kalayaan at karapatang pantao. Sinabi niyang malalim at matagal ang naging samahan ng Taiwan at Panama at marami na silang naipundar na proyekto na mabuti para sa pag unlad at kapakanan ng mga mamamayan.

Binigyang diin ni Cohen na ang Taiwan ay isang malayang lipunan na kilala sa kahusayan sa teknolohiya lalo na sa semiconductor. Hanga umano ang delegasyon sa mga nakamit ng Taiwan at sa kahandaang magbahagi ng karanasan sa iba’t ibang bansa.

Idinagdag ni De Gracia na ang pangunahing layunin ng kanilang pagdating ay muling buuin ang pagkakaibigan ng Taiwan at Panama. Hindi raw sila natinag sa kabila ng anumang presyon. Umaasa siyang magsisilbing tulay ang Panama Congress sa komunikasyon ng dalawang panig at maibabalik nila sa kanilang bansa ang hangaring muling paigtingin ang ugnayan para sa mas maraming proyekto at kooperasyon sa hinaharap.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解