Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Macron Pinuri ang Taiwan Laban kontra Fake News, Lin Chia-lung Handang Magbahagi ng Karanasan

28/11/2025 14:44
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Sabi ni Lin Chia-lung, hindi ito isang coincidence, kundi ito ay dahil na rin sa pagkaunawa ng mga demokratikong bansa sa buong mundo na sa panahon ng maraming hindi tiyak na pangyayari, mahalagang palakasin ang risk awareness at kakayahan ng bawat mamamayan na makaresponde sa mga sitwasyon. (Larawan mula sa Facebook ni Lin Chia-lung)
Sabi ni Lin Chia-lung, hindi ito isang coincidence, kundi ito ay dahil na rin sa pagkaunawa ng mga demokratikong bansa sa buong mundo na sa panahon ng maraming hindi tiyak na pangyayari, mahalagang palakasin ang risk awareness at kakayahan ng bawat mamamayan na makaresponde sa mga sitwasyon. (Larawan mula sa Facebook ni Lin Chia-lung)

Pinuri ni French President Emmanuel Macron ang Taiwan sa kanilang epektibong sistema laban sa fake news. Sa isang panel discussion noong Nobyembre 19, binanggit ni Macron na kahit nahaharap ang Taiwan sa impormasyon mula sa karatig na authoritarian na bansa, nagawa pa rin nilang magpatupad ng matibay na mekanismo para labanan ang maling impormasyon. Aniya, karapat-dapat itong maging halimbawa para sa France. Ayon sa ulat, sinabi rin ni Macron na ang French monitoring agency na VIGINUM ay inspirasyon ng sistema ng Taiwan sa pagprotekta laban sa foreign digital interference.

Noong Nobyembre 27, nagpost si Foreign Minister Lin Chia-lung sa social media at sinabi na kapwa ang French guide na “All Citizens Responsible” at ang Taiwan’s National Security Guidelines ay nagpapakita na nakakaintindi ang mga demokratikong bansa na mahalagang palakasin ang risk awareness at response capabilities ng bawat mamamayan. Dagdag niya, ang mga pagsisikap ng Taiwan sa impormasyon at pagpapalakas ng societal resilience ay napapansin na ng international community, at handa ang Taiwan na ibahagi ang kanilang karanasan sa buong mundo.

Ayon sa international media, nakatakda si Macron na bumisita sa China mula Disyembre 3 hanggang 5 at makipagkita kay President Xi Jinping.

Binanggit ni Lin na sa mga nakaraang taon, sa harap ng iba't ibang impormasyon at propaganda, nakapagtayo ang Taiwan ng societal resilience sa pamamagitan ng edukasyon, transparency, at citizen participation. Mula gobyerno hanggang sa civil society, mula media literacy hanggang fact-checking, pinatunayan ng Taiwan na ang democracy ay kayang maging matatag at ligtas.

Ani Lin, nauunawaan ng mga demokratikong bansa na sa isang panahon ng global uncertainty, mahalagang palakasin ang risk awareness at adaptability ng bawat mamamayan. Walang bansa ang maaaring mag-isa sa harap ng global challenges. Binanggit niya na handa at bukas ang Taiwan na magbahagi ng karanasan sa mga demokratikong partners, kabilang ang France, upang mapanatili ang international order na nakabatay sa demokratikong values. Giit ni Lin, ang demokratikong resilience ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng conflict o fear kundi sa pagtitiwala at mutual confidence sa values ng democracy. Kapag nakatulong ang karanasan ng Taiwan sa ibang demokratikong bansa, at ang international partners ay handang tularan ang Taiwan, iyon na ang pinakamahalagang kontribusyon ng Taiwan sa mundo.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解