Nagpadala ng mensahe si Pangulong Lai Ching-te sa social platform na X ngayong ika-9, gamit ang wikang Hapon, bilang pakikiramay sa mga mamamayang naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa silangang karagatan ng Aomori, Japan. Sinabi niya na taos puso siyang nakikiramay sa lahat ng nasalanta at binigyang diin na handang magbigay ng anumang kinakailangang tulong ang Taiwan habang hinihiling ang mabilis na pagbangon ng mga mamamayan.
Ayon sa kanyang pahayag, patuloy ang matibay na ugnayan ng Taiwan at Japan lalo na sa panahon ng sakuna at palagi silang nagtutulungan. Nagpahayag siya ng pag asa na manatiling ligtas ang lahat at agad na makabalik sa normal na pamumuhay.
Naitala ang magnitude 7.5 na lindol noong gabi ng Disyembre 8 alas 11:15 ng oras sa Japan na katumbas ng alas 10:15 ng gabi sa Taiwan. Ang sentro ng lindol ay nasa humigit kumulang 80 kilometro sa karagatan ng Aomori at may lalim na 54 kilometro. Sa pinakahuling ulat ngayong tanghali, nasa 35 katao ang naiulat na nasugatan. Sampu sa Hokkaido, dalawampu’t dalawa sa Aomori at tatlo sa Iwate. Umabot din sa 114,000 katao sa Hokkaido at apat na prefecture sa Tohoku ang nakatanggap ng abiso para lumikas ngunit kalaunan ay ibinaba na ang lahat ng babala.