Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Ministry of Foreign Affairs: “Hindi Kami Ibinigay sa Inyo sa San Francisco Treaty”

09/12/2025 15:15
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Ministry of Foreign Affairs (Photo: CNA)
Ministry of Foreign Affairs (Photo: CNA)

Naglabas ng matigas na pahayag ang Ministry of Foreign Affairs matapos ang mga bagong komento ng Chinese Foreign Minister tungkol sa umano’y “naka-lock” na soberanya ng Taiwan. Ayon sa MOFA, paulit-ulit na binabaluktot ng China ang mga internasyonal na dokumento at kahit ilang ulit nila itong sabihin, hindi ito magiging totoo. Idiniin ng MOFA na ang San Francisco Peace Treaty ay hindi kailanman nagtalaga ng Taiwan sa People's Republic of China at na ang PRC ay hindi pa minsan man namahala sa Taiwan. Dahil dito, malinaw na hindi bahagi ng PRC ang Taiwan, at kinikilala ito ng mga pangunahing demokrasya sa mundo.

Sa naging pag-uusap nina Chinese Foreign Minister Wang Yi at German Foreign Minister Johann Wadephul, iginiit ni Wang na umano’y “pitong ulit na naka-lock” ang status ng Taiwan sa mga dokumentong gaya ng Cairo Declaration at UN Resolution 2758. Pinabulaanan ito ng MOFA spokesperson na si Jeff Liu. Ayon sa kanya, ang sinasabi ng China na “locking” ay isa lamang patuloy na pagbaluktot ng mga internasyonal na dokumento. Sinabi pa ni Liu na kahit ulitin ito nang 700 o 7,000 beses ay hindi magbabago ang katotohanan.

Ipinaliwanag din ng MOFA na matapos ang World War II, ang San Francisco Peace Treaty ang nagkaroon ng bisa sa ilalim ng international law at pinalitan nito ang mga naunang political statements tulad ng Cairo Declaration. Hindi ipinasa ng nasabing kasunduan ang Taiwan sa PRC at hindi rin nagkaroon ng anumang pamamahala ang PRC sa Taiwan.

Binigyang-diin pa ni Liu na simula 1980s, nagsimula ang Taiwan sa demokratikong pagbabago at noong 1996, isinagawa ang unang direktang halalan para sa pangulo. Ang gobyerno ng Taiwan na halal ng mamamayan ang tanging lehitimong pamahalaan na kumakatawan sa bansa at nagpapatupad ng epektibong pamamahala.

Pinuri rin ni Liu ang paulit-ulit na pahayag ni Wadephul ngayong taon laban sa paggamit ng dahas sa Taiwan Strait. Aniya, ipinapakita nito ang pagpapahalaga ng Germany sa international law at sa pagpapanatili ng kaayusang nakabatay sa mga patakaran.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解