Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Bise Presidente Hsiao Bi-khim: “Pinapalakas Namin ang Depensa. Huwag Ninyong Iwaglit ang Mata sa Taiwan Strait.”

09/12/2025 15:23
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Si Vice President Hsiao Bi-khim (gitna) ay nakipagkita noong December 8 sa delegation ng National Committee on American Foreign Policy (NCAFP). ( Larawan mula sa Office of the President )
Si Vice President Hsiao Bi-khim (gitna) ay nakipagkita noong December 8 sa delegation ng National Committee on American Foreign Policy (NCAFP). ( Larawan mula sa Office of the President )

Ipinahayag ni Bise Presidente Hsiao Bi-khim na patuloy na pinagtitibay ng Taiwan ang kakayahang depensahan ang sarili sa harap ng papatinding panlabas na banta. Sa kaniyang pakikipagkita noong ika-8 sa delegasyon ng National Committee on American Foreign Policy, nagpasalamat siya sa matagal nang suporta ng grupo at hinimok ang internasyonal na komunidad na ipagpatuloy ang pagbibigay-pansin sa kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait.

Kasama sa delegasyon sina Susan M. Elliott, Susan A. Thornton at Raymond F. Burghardt, na inihatid ni MOFA Vice Minister Tien Chung-kwang sa Office of the President. Malugod silang tinanggap ng Bise Presidente, na nagpasalamat sa kanilang patuloy na pagbisita at sa papel nila sa pagpapalakas ng diyalogo at ugnayan sa rehiyon.

Ayon sa Bise Presidente, humaharap ngayon ang Taiwan sa walang kapantay na mga hamon, kabilang ang lumalakas na banta mula sa labas, ang agresibong aktibidad ng People’s Liberation Army sa paligid ng Japan at South China Sea, at ang patuloy na grey-zone tactics tulad ng legal warfare, psychological warfare at cognitive warfare na nagdudulot ng pangamba sa buong mundo.

Binigyang-diin niya na seryoso ang Taiwan sa pagpapalakas ng sariling depensa, kabilang ang pagtaas ng defense budget na inanunsyo ni Pangulong Lai Ching-te noong Nobyembre 26, pati na ang pagpapatupad ng mga kinakailangang reporma sa defense system.

Nagpasalamat din siya sa Estados Unidos at iba pang bansa sa paulit-ulit na pagtitiyak sa kahalagahan ng pagpapanatili ng status quo at kapayapaan sa Taiwan Strait. Ayon sa kaniya, ang seguridad sa strait ay hindi lamang mahalaga para sa Taiwan ngunit para rin sa katatagan at kasaganaan ng buong mundo.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解