Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Itinigil ang Pagbawas ng Pensiyon ng mga Guro at Kawani ng Gobyerno na Ipinapatupad Mula 2024, ngunit Ayon sa DPP: Maagang Pagkalugi ng Pensiyon ang Magwawasak sa Kinabukasan ng Susunod na Henerasyon

15/12/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
PD
Pinangunahan ni Han Kuo-yu ang sesyon ng Legislative Yuan.

Nagdaos ng plenary session ang Legislative Yuan noong umaga ng ika-12. Dahil inaasahang tatalakayin ang mga kontrobersyal na panukala tulad ng pagtigil sa pagbabawas ng pensyon ng mga guro at kawani ng gobyerno, ang pag-imbita kay Pangulong Lai Ching-te upang magbigay ng ulat sa pambansang kalagayan, at ang panukalang absentee voting na inihain ng Taiwan People’s Party caucus, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng naghaharing partido at oposisyon. Ipinahayag ng Speaker ng Legislative Yuan na si Han Kuo-yu (ika-4 mula sa kanan) ang pansamantalang pagtigil ng sesyon sa simula pa lamang upang magsagawa ng caucus negotiations, at ipagpapatuloy lamang ang pagpupulong kapag may naabot nang consensus.

Larawan ni Chao Shih-hsun, Central News Agency, ika-12 ng Disyembre, 2025
PD Pinangunahan ni Han Kuo-yu ang sesyon ng Legislative Yuan. Nagdaos ng plenary session ang Legislative Yuan noong umaga ng ika-12. Dahil inaasahang tatalakayin ang mga kontrobersyal na panukala tulad ng pagtigil sa pagbabawas ng pensyon ng mga guro at kawani ng gobyerno, ang pag-imbita kay Pangulong Lai Ching-te upang magbigay ng ulat sa pambansang kalagayan, at ang panukalang absentee voting na inihain ng Taiwan People’s Party caucus, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng naghaharing partido at oposisyon. Ipinahayag ng Speaker ng Legislative Yuan na si Han Kuo-yu (ika-4 mula sa kanan) ang pansamantalang pagtigil ng sesyon sa simula pa lamang upang magsagawa ng caucus negotiations, at ipagpapatuloy lamang ang pagpupulong kapag may naabot nang consensus. Larawan ni Chao Shih-hsun, Central News Agency, ika-12 ng Disyembre, 2025

Ipinasa ng Legislative Yuan noong araw (ika-13) sa ikatlong pagbasa ang mga amyenda sa ilang probisyon ng “Batas sa Pagreretiro, Pagkatanggal sa Serbisyo, at Pagbibigay ng Pensiyon at Benepisyo sa mga Kawani ng Gobyerno”. (Paliwanag: ang naturang batas ay isang pangkalahatang tawag sa mga regulasyong sumasaklaw sa pensiyon at benepisyo ng mga kawani ng gobyerno at mga guro sa pampublikong paaralan. Ang pangunahing mga batas nito—ang Batas sa Pensiyon at Benepisyo ng mga Kawani ng Gobyerno at ang Batas sa Pensiyon, Pagkatanggal sa Serbisyo, at Benepisyo ng mga Guro sa Pampublikong Paaralan—ay magkatuwang na nagtatakda ng mga karapatan kaugnay ng pagreretiro, pagkatanggal sa serbisyo, at benepisyo ng mga guro at kawani ng gobyerno. Ang layunin ay magtatag ng isang matatag na sistema ng pensiyon, lalo na mula noong 1996, nang ipinatupad ang bagong sistema kung saan parehong nag-aambag ang pamahalaan at ang indibidwal sa pension fund upang matiyak ang katatagan ng pananalapi at proteksyon ng mga karapatan.)

Ayon sa dating probisyon, ang replacement rate ng kita sa pagreretiro ay unti-unting binababa sa loob ng sampung taong transitional period. Subalit matapos ang rebisyon, ang replacement rate ng kita sa pagreretiro ay tiyak na ibabalik sa pamantayang ginamit noong 2023, at simula Enero 1, 2024 ay hindi na ito babawasan taun-taon. Ibig sabihin, ititigil na ang pagbawas sa pensiyon ng mga kawani ng gobyerno. Ang pinakamahalagang pagbabago ng batas na ito ay ang agarang pagtigil ng pagbaba ng replacement rate ng kita sa pagreretiro ng mga guro at kawani ng gobyerno simula 2026.

Binabaligtad ng rebisyong ito ang polisiya ng pension reform na isinulong ng pamahalaan ni dating Pangulong Tsai Ing-wen mula Hulyo 2018, kung saan itinakda ang sampung taong transitional period para sa unti-unting pagbaba ng replacement rate. Kinuwestiyon ng Kuomintang caucus at ng ilang mambabatas ang pension reform, iginiit nilang nilalabag nito ang prinsipyo ng proteksyon sa lehitimong inaasahan, at sunud-sunod na naghain ng mga panukala upang itigil ang pagbawas sa pensiyon ng mga guro at kawani ng gobyerno.

Tungkol sa regulasyon sa pagsasaayos ng pensiyon ng mga kawani ng gobyerno, ang dating probisyon ay nagsasaad na ang buwanang pensiyon ay dapat iakma kapag ang taunang pagtaas ng Consumer Price Index (CPI) ay umabot sa positibo o negatibong 5 porsiyento. Sa binagong bersyon na ipinasa sa ikatlong pagbasa, tinanggal ang salitang “negatibo,” at binago ito upang ang pensiyon ay ia-adjust lamang kapag ang naipong pagtaas ng CPI ay umabot sa 5 porsiyento, o hindi bababa sa isang beses bawat apat na taon. Kapag negatibo ang CPI, tiyak na hindi babawasan ang pensiyon.

Gayunman, hinggil sa pagpasa ng Legislative Yuan ngayong araw sa tinaguriang “anti–pension reform” na batas at sa pagtigil ng pagbawas sa pensiyon ng mga guro at kawani ng gobyerno, sinabi ng tagapagsalita ng Democratic Progressive Party (DPP) na si Li Kun-cheng na ikinalulungkot niya na muling ipinilit ng Kuomintang ang pagpasa ng isang masamang batas na sumasalungat sa malakas na opinyon ng publiko, lumilikha ng hidwaan sa pagitan ng mga henerasyon, at pumipinsala sa Taiwan. Ayon sa kanya, ang maagang pagkalugi ng pension system ay magreresulta sa pasanin ng buong mamamayan at sisira sa kinabukasan ng susunod na henerasyon ng Taiwan.

Dagdag pa ni Li Kun-cheng, pinipinsala ng Kuomintang ang mga kasalukuyang guro at kawani ng gobyerno at pinalalala ang kawalan ng katarungan sa pagitan ng mga henerasyon. Aniya, inuuna lamang ng partido ang sariling interes habang sinasakripisyo ang pangmatagalang pag-unlad ng Taiwan. Ang maagang pagkalugi ng pensiyon ay magreresulta sa pagbabayad ng buong lipunan at ganap na magwawaksi sa katarungang panghenerasyon.

Binatikos din ni Li Kun-cheng ang proseso ng rebisyon, kung saan muli umanong gumamit ang Kuomintang ng isang “black box” na muling binagong mosyon, habang ang Taiwan People’s Party ay umano’y nakipagtulungan at nagpalusot, dahilan upang hindi lamang tumigil ang pension reform kundi tuluyang “ibinalik” pa sa replacement rate ng kita noong 2023. Ayon sa kanya, tulad ng sinabi noon ni dating Pangulong Ma Ying-jeou, ang pension reform ay tila isang “tren na bumibilis patungo sa bangin.”

Sinabi ni Li Kun-cheng na ang masamang batas at maling rebisyon ay nagpaurong nang malaki sa katarungan at pangmatagalang pagpapanatili ng Taiwan, at winasak ang kinabukasan ng susunod na henerasyon. Aniya, matatandaan ng mga mamamayan ng Taiwan ang araw na ito bilang araw na inubos ng “asul at puti” ang yaman ng Taiwan.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解