Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Mahigpit na Aksyon laban sa Pekeng Internship ng mga Dayuhang Estudyante Ayon kay Gong Mingxin: Kailangang Kilalanin na ang Internship ay Talagang Internship

09/01/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 何薇薇
Mahigpit na Aksyon laban sa Pekeng Internship ng mga Dayuhang Estudyante Ayon kay Gong Mingxin: Kailangang Kilalanin na ang Internship ay Talagang Internship (PIXABAY圖庫)
Mahigpit na Aksyon laban sa Pekeng Internship ng mga Dayuhang Estudyante Ayon kay Gong Mingxin: Kailangang Kilalanin na ang Internship ay Talagang Internship (PIXABAY圖庫)

namyendahan ng Ministry of Economic Affairs (MOEA) ngayong araw (ika-8) ang “Mga Alituntunin sa Pag-aaplay ng mga Kumpanya at Legal na Entidad para sa Internship ng mga Dayuhang Estudyante sa Republika ng Tsina (Taiwan)”.
Sa isang panayam, sinabi ni Minister Gong Mingxin na ang pangunahing layunin ng rebisyong ito ay tuluyang pigilan ang tinatawag na “pekeng internship ngunit tunay na pagtatrabaho o aktuwal na empleo.”

Ayon sa bagong patakaran, malinaw na itinakda na ang mga dayuhang estudyante na darating sa Taiwan ay dapat may aktibong katayuang estudyante, at ang nilalaman ng kanilang internship ay dapat may kaugnayan sa kanilang kursong pinag-aaralan.
Bukod dito, ang kabuuang halaga ng grant at living allowance na ibinibigay ng kumpanya ay hindi maaaring mas mababa sa minimum wage, at obligado ring isama ang mga intern sa social insurance, upang maipabatid sa mga kumpanya na “ang internship ay internship lamang.”

Dahil sa patuloy na kakulangan sa manggagawa sa Taiwan, may mga kaso kung saan ang mga dayuhang estudyante ay pumapasok sa bansa sa ngalan ng internship ngunit sa aktuwal ay nagsasagawa ng regular na trabaho, at nagiging “murang student labor.”

Ipinunto ni Gong Mingxin na noong 2025, humigit-kumulang 1,805 dayuhang estudyante ang inaprubahan ng MOEA upang magsagawa ng cross-border internships sa Taiwan, kabilang ang mga sektor ng restaurant, logistics, at manufacturing.
Ang rebisyong ito ay naglalayong isa-isang linawin ang mga kwalipikasyon ng mga dayuhang estudyante at ang mga proteksiyong dapat ibigay ng mga kumpanya, upang tuluyang maiwasan ang “pekeng internship ngunit tunay na pagtatrabaho o empleyo.”

Ipinaliwanag pa ni Gong Mingxin na ayon sa binagong patakaran, ang mga dayuhang estudyante ay dapat nag-aaral sa mga unibersidad na kabilang sa opisyal na listahan ng Ministry of Education ng mga dayuhang institusyong pang-edukasyon.
Bago dumating sa Taiwan, kailangan nilang nakapag-aral na ng hindi bababa sa isang semestre, at ang kanilang edad ay dapat tumutugma sa antas ng kanilang programa.
Ang kursong kanilang kinukuha ay dapat may malinaw na kaugnayan sa internship, ibig sabihin, ang internship sa Taiwan ay kailangang lehitimo at makatarungan.

Sa usapin ng proteksyon, itinakda na ang kabuuang grant at living allowance ay hindi maaaring mas mababa sa minimum wage.
Ang oras ng internship ay hindi maaaring lumampas sa 8 oras kada araw at 40 oras kada linggo.
Maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa dayuhang estudyante, hindi sila maaaring italaga sa internship mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga ng susunod na araw, upang maiwasan ang labis na pagod sa trabaho.
Bukod dito, inaatasan din ang mga tumatanggap na institusyon na magbigay ng angkop na insurance para sa mga dayuhang estudyante sa buong panahon ng internship.

Binigyang-diin ni Gong Mingxin na ang MOEA ay makikipagtulungan sa Ministry of Labor at iba pang ahensya upang magsagawa ng hindi inaasahang inspeksyon, upang matiyak na ang mga karapatan ng mga dayuhang intern ay tunay na napoprotektahan.

Tungkol naman sa pangamba na ang pagpapatupad ng minimum wage para sa mga intern ay maaaring magpataas ng gastos ng mga kumpanya, sinabi ni Gong Mingxin na ang MOEA ay may iba’t ibang subsidy at support programs para sa industrial upgrading at transformation, at umaasa siyang mauunawaan ng mga kumpanya na ang pagprotekta sa karapatan ng mga intern ay kapaki-pakinabang kapwa sa negosyo at sa mga dayuhang estudyante.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解