Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Nakadiskubreng Bagong Natural Gas sa Pilipinas Nagbibigay Ginhawa sa Papabilis na Pagkaubos ng Enerhiya

20/01/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Ang Malampaya natural gas field na matatagpuan malapit sa isla ng Palawan sa Pilipinas. (AFP)
Ang Malampaya natural gas field na matatagpuan malapit sa isla ng Palawan sa Pilipinas. (AFP)

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon ika-19 na natuklasan ang isang natural gas field na may napakalaking reserba malapit sa tanging offshore natural gas production facility ng bansa.

Ayon sa pangulo, humigit kumulang siyamnapu’t walong bilyong cubic feet o dalawang punto walong bilyong cubic meter ng natural gas ang natuklasan limang kilometro sa silangan ng Malampaya gas field malapit sa Palawan. Sapat umano ito upang masuplayan ng kuryente ang tinatayang limang punto pitong milyong kabahayan sa loob ng isang taon.

Kabilang ang Pilipinas sa may pinakamataas na gastos sa enerhiya sa rehiyon at nahaharap sa nalalapit na krisis dahil inaasahang mauubos ang Malampaya gas field sa mga susunod na taon. Ang gas field na ito ang nagsusuplay ng humigit kumulang apatnapung porsiyento ng kuryente ng Luzon na pinakamalaking isla sa bansa.

Sinabi ni Marcos na ito ang unang malaking tuklas sa loob ng mahigit isang dekada at nagpapakita na may mas malaki pang potensiyal sa produksyon ang nasabing gas field.

Sa isang pahayag, sinabi ng pangulo na makatutulong ang bagong tuklas upang mapalakas ang ambag ng Malampaya at patatagin ang suplay ng natural gas ng bansa sa mga darating na taon. Ayon sa paunang pagsusuri, tinatayang animnapung milyong cubic feet ang arawang produksyon ng naturang balon.

Madalas makaranas ng kakulangan sa kuryente ang Pilipinas at mahigit kalahati ng produksiyon ng kuryente nito ay nakadepende sa inaangkat na karbon na nagbubuga ng makapal na itim na usok.

Noong taong dalawang libo dalawampu’t dalawa, iniutos ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagtigil ng oil at gas exploration sa mga bahagi ng South China Sea na may alitang teritoryal sa China.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解