Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Aviation Boom sa Taiwan, Passenger Traffic Umabot sa 68.8 Million, Free Trade Ports Kita Lagpas 5 Trillion

20/01/2026 10:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Nagbigay ng talumpati si Deputy Minister Lin Kuo Hsien ng Ministry of Transportation and Communications sa ika-79 anibersaryo ng Civil Aeronautics Administration ngayong araw ng ika-20. (Kuha ni Wu Li Chun)
Nagbigay ng talumpati si Deputy Minister Lin Kuo Hsien ng Ministry of Transportation and Communications sa ika-79 anibersaryo ng Civil Aeronautics Administration ngayong araw ng ika-20. (Kuha ni Wu Li Chun)

Umabot sa 68.8 milyong pasahero ang kabuuang domestic at international air travel sa Taiwan noong nakaraang taon, habang lumagpas naman sa NT$5 trilyon ang kita ng free trade port zones. Ito ang ibinahagi ni Transportation and Communications Ministry Deputy Minister Lin Kuo Hsien nitong ika-20 sa ginanap na ika-79 anibersaryo ng Civil Aeronautics Administration. Ayon sa kanya, inaasahang tatawid pa sa NT$6 trilyon ang kita ngayong taon, anim na beses na mas mataas kumpara sa antas bago ang pandemya.

Samantala, sinabi ni Civil Aeronautics Administration Director General Ho Shu Ping na sa kasalukuyang winter flight schedule ng Taiwan, umaabot na sa 107 international destinations ang pinaglilingkuran, na may kabuuang 2,981 flights kada linggo. Mas mataas ito ng 124 flights kumpara sa summer schedule at opisyal nang nalampasan ang pre pandemic level noong 2019 na 2,957 weekly flights, patunay ng matatag na recovery ng international aviation market.

Dagdag pa ni Ho, ang bilang ng mga biyahe papunta at pabalik ng Japan at South Korea, Middle East, Europe, United States, at Southeast Asia ay lampas na sa pre pandemic levels. Pinakamalaki ang rebound ng Middle East na umabot sa 214 percent, sinundan ng North America sa 140 percent at Japan South Korea routes sa 125 percent. Samantala, ang Hong Kong at Macau routes ay nasa 89 percent recovery, habang ang mainland China routes ay nasa 51 percent, alinsunod sa cross strait policies at market demand.

Ibinahagi rin ni Ho na ang international passenger volume noong nakaraang taon ay umabot sa 58.33 milyong biyahe, halos kapantay na ng 59.92 milyon bago ang pandemya. Tinatayang tataas pa ito ngayong taon sa 62 milyong pasahero dahil sa pagdating ng bagong eroplano ng mga local carriers, pagbubukas ng North Concourse ng Terminal 3 ng Taoyuan International Airport noong katapusan ng nakaraang taon, pag update ng air services agreement ng Taiwan at Italy, paglagda ng bagong kasunduan sa Finland, pagbubukas ng Taipei to Phoenix route ng Starlux Airlines noong Enero 15, unang European route nito na paparating, at paglulunsad din ng Taipei to Washington long haul route ng EVA Air sa kalagitnaan ng taon.

Binigyang diin ni Deputy Minister Lin na hindi lamang passenger at cargo traffic ang masigla noong nakaraang taon. Ang cargo volume ay umabot sa 2.57 milyong tonelada, mas mataas kaysa pre pandemic levels, habang ang air traffic movements ay nasa 260,000 flights. Ani niya, ang kita ng free trade ports na binubuo ng isang airport at anim na seaports ay limang beses na mas mataas kaysa bago ang pandemya at inaasahang patuloy pang tataas ngayong taon.

Hinimok din ni Lin ang mga local airlines na samantalahin ang open skies agreements ng Taiwan sa Japan at United States, gayundin ang bagong air services agreement sa Finland na nagbubukas ng posibilidad ng direct flights papuntang Northern Europe. Dagdag niya, may mahigit 200 flights kada araw ang Taiwan papuntang Northeast Asia, at dapat palawakin ng industriya ang mga oportunidad sa transfer market mula North America patungong Southeast Asia at Northeast Asia.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解