Sinabi ni Lai Ching-te nkahapon ng ika-22, sa kanyang talumpati sa CWEF Economic Forum, na sa kabila ng pabagu bagong kalagayan ng mundo ay nananatiling matatag ang Taiwan. Binanggit niya na may mga ulat noon mula sa The Economist at sa komentarista ng CNN na si Fareed Zakaria na naglarawan sa Taiwan bilang pinaka mapanganib na lugar sa mundo. May mga pahayag din sa loob ng bansa na nagbabala ng pag alis ng dayuhang puhunan at pagbagsak ng ekonomiya. Gayunman, iginiit ng pangulo na sa kabila ng mga digmaan sa Ukraine at Gaza, nananatiling matatag ang Taiwan at naging isang mapagkakatiwalaan at ligtas na non red supply chain ng demokratikong mundo. Ayon sa kanya, nananatiling matatag ang kapayapaan sa Taiwan Strait at patuloy ang malalaking pamumuhunan ng dayuhang kapital. Aniya, nagbukas na ang bagong yugto ng ekonomiya ng Taiwan at ang mga taripa ay pumantay na sa antas ng Japan at South Korea kaya dapat maging kumpiyansa at magkaisa ang bansa sa pagharap sa hinaharap.
Tungkol sa reciprocal tariff negotiations ng Taiwan at Estados Unidos, sinabi ni Pangulong Lai na pinamunuan ni Cheng Li-chun ang negotiating team na nagbaba ng dating hanggang 32 porsiyentong taripa patungong 15 porsiyento at hindi na pinagsasama sama. Dahil dito, pumantay ang Taiwan sa panimulang antas ng Japan, South Korea, at European Union. Binigyang diin niya na hindi takot sa patas na kompetisyon ang mga kumpanyang Taiwanese at ang pantay na kundisyon ang pinakamalaking oportunidad para sa industriya ng bansa.
Sa hiwalay na okasyon, nang makipagpulong siya sa Chinese National Association of Industry, sinabi ng pangulo na hindi titigil ang suporta ng gobyerno sa mga industriya kahit natapos na ang pangunahing yugto ng usapang taripa. Ipinahayag niya na kasama si Punong Ministro Cho Jung-tai ay patuloy silang mag iikot sa mga lalawigan at lungsod upang direktang makipag usap sa mga sektor ng industriya at alamin ang pangangailangan sa unang hanay.
Ayon kay Pangulong Lai, ang pagtatapos ng isyu sa taripa ay unang hakbang pa lamang. Ang tunay na magtatakda ng pangmatagalang pag unlad ay ang lakas at kakayahang makipagkumpitensya ng mga negosyo. Kaya inilunsad ng gobyerno ang NT$93 bilyong export supply chain support program upang tulungan ang mga kumpanya sa pananaliksik at transformasyon, pautang sa export, at credit guarantees. Itinutulak din ang mga programang magpapalakas sa micro, small, at medium enterprises kabilang ang digital at AI applications.
Sa pag tanaw sa hinaharap, sinabi ng pangulo na ang sampung pangunahing AI projects ng bansa, kabilang ang sovereign AI, national computing power centers, at silicon photonics, ay gagawing pundasyong imprastruktura ang AI para magamit ng lahat ng industriya. Hinimok niya ang sektor ng industriya na patuloy na makiisa sa mga pambansang polisiya at mamuhunan sa mga kritikal na larangan tulad ng depensa at kalawakan. Tiniyak din niya na patuloy na palalakasin ng Taiwan ang ugnayan sa mga pangunahing trade partners upang ang mga negosyo ay manatiling nakabatay sa Taiwan, nakaposisyon sa buong mundo, at makapagbenta sa pandaigdigang pamilihan. Aniya, ang Taiwan ay hindi lamang nakatuntong sa entablado ng mundo kundi nasa gitna na rin nito.