Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwanese Group na Huanyu, Pinalalalim ang Puhunan sa Pilipinas sa Pamamagitan ng International-Class Hotel Project

25/01/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Nag invest ang Taiwan funded Huan Yu Group sa pagtatayo ng isang garden style hotel sa Carmona, humigit kumulang 40 kilometro sa timog ng Manila. Nanguna sa groundbreaking ceremony ang group president na si Chien Yu-li, habang nakamasid naman sa tabi ang kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas na si Chou Min-gan.
Nag invest ang Taiwan funded Huan Yu Group sa pagtatayo ng isang garden style hotel sa Carmona, humigit kumulang 40 kilometro sa timog ng Manila. Nanguna sa groundbreaking ceremony ang group president na si Chien Yu-li, habang nakamasid naman sa tabi ang kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas na si Chou Min-gan.

Isang garden-style hotel na pinondohan ng Taiwanese Huanyu Group ang pormal na sinimulan ang konstruksyon noong ika-20 sa Carmona City, isang umuusbong na development area sa timog ng Luzon. Ang groundbreaking ceremony ay sumisimbolo sa patuloy na pagpapalalim ng pamumuhunan ng Taiwan sa Pilipinas at inaasahang magdadagdag ng bagong sigla sa lokal na ekonomiya at sektor ng turismo.

Itatayo ang Carmona Garden Suites sa loob ng Huanyu Technology Park sa Carmona City, humigit-kumulang 40 kilometro sa timog ng Maynila. Mayroon itong planong 158 kuwarto at mga multi purpose facility na kayang tumanggap ng hanggang 500 katao. Kapag natapos, ang operasyon ng hotel ay pamamahalaan ng international hotel chain na Swiss Belhotel.

Ayon kay Huanyu Group Chairman Chien Yu Li sa panayam sa Central News Agency, maraming industrial zones, commercial areas, technology parks, at golf courses sa gitna at timog ng Luzon ngunit kapos sa international standard na accommodation. Dahil dito, nagpasya ang grupo na magtayo ng garden-style hotel na may parehong business at leisure functions, na target matapos sa taong 2028.

Dagdag pa niya, ang hotel ay hindi lamang isang investment project kundi isang personal na pangako niya sa kabuuang pag-unlad ng Pilipinas. Sinabi niya na mahigit limampung taon na ang nakalipas nang una siyang dumating sa bansa, dito siya nanirahan, nagtrabaho, at patuloy na magbabalik ng ambag sa komunidad.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Taiwan Representative to the Philippines Chou Min Gan na ang negosyo ni Chien ay sumasaklaw sa technology parks, banking, at golf courses, at ang hotel project na ito ay isa na namang mahalagang milestone. Inaasahan niyang magdadala ito ng mabilis na paglago sa Carmona City at makahikayat ng mas marami pang Taiwanese companies na mamuhunan sa Pilipinas.

Ayon naman kay Carmona City Congressman Roy Loyola, mahigit 400 export oriented factories na ang matatagpuan sa lungsod na unti unting nagiging pangunahing development hub sa timog ng Maynila. Ang pagsisimula ng hotel project ay nagpapakita ng kumpiyansa ng Taiwanese investors sa Carmona City at inaasahang lilikha ng mga trabaho, magpapalakas sa lokal na industriya, at magsisilbing mahalagang accommodation hub para sa mga dayuhan at bisita.

Dumalo rin sa seremonya ang mga panauhing kinabibilangan ng MECO Director Wilson Tecson, dating Philippine Senator Gregorio Honasan, mga kinatawan ng Department of Tourism, at mga diplomatic envoys mula sa iba’t ibang bansa na naka-assign sa Pilipinas.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解