Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

“Ang Kalayaan ay May Kapalit” Panawagan ni Pangulong Lai sa Oposisyon na Huwag Hadlangan ang Espesyal na Badyet sa Depensa

24/01/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Nanawagan si Lai Ching-te na pabilisin ang pag review ng special defense budget, kasunod ng pahayag ng AIT Director na si Raymond F. Greene na ang “freedom is not free” bilang suporta sa defense spending. Sa isang panayam noong ika 23, sinabi ni Pangulong Lai na ang naturang linya ay nakaukit sa Korean War Veterans Memorial sa Washington DC at nangangahulugang kapag dumarating ang krisis ay may kaakibat talagang sakripisyo. Binigyang diin din niya na sa harap ng banta mula sa China, kailangang buong lakas na suportahan ang Armed Forces, at muling nanawagan sa oposisyon na huwag nang harangan ang special defense budget upang agad itong matapos sa deliberasyon at magampanan ng militar ang tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa sa unang hanay nang walang takot. (CNA photo by reporter Kuo Jih-hsiao)

Nanatiling nakabinbin sa Lehislatura ang panukalang espesyal na badyet sa depensa ng pamahalaan na nagkakahalaga ng NT$1.25 trilyon para sa walong taon dahil hindi pa ito naipapasa sa antas ng komite. Noong ika 22, sinabi ni Raymond F. Greene, pinuno ng American Institute in Taiwan, sa isang talakayan ng Institute for National Defense and Security Research na ang kalayaan ay hindi libre at hindi maaaring akuin ng Estados Unidos ang buong pasanin. Aniya, makakatulong lamang ang Amerika ayon sa kakayahang ipakita ng mga kaalyado at nanawagan siyang palakihin ang pamumuhunan sa depensa upang hadlangan ang agresyon sa rehiyon.

Bilang tugon, sinabi ni Lai Ching-te ngayong ika 23 na nahaharap ang Taiwan sa seryosong banta mula sa China kaya kinakailangang buong lakas na suportahan ang sandatahang lakas. Ayon sa kanya, ang pagpasa ng espesyal na badyet sa depensa ang pinakamalinaw na anyo ng suporta sa militar. Hinimok niya ang oposisyon na huwag nang hadlangan ang panukala at pabilisin ang pagtalakay upang makapagtanggol ang hukbo sa unang hanay nang walang pangamba.

Bago dumalo sa pagbubukas ng 2026 Home Appliances and Audio Visual Year End Shopping Expo, ipinaliwanag ng pangulo na ang pahayag na ang kalayaan ay hindi libre ay isang kasabihang Amerikano na nakaukit sa Korean War Veterans Memorial sa Washington DC. Ipinapahiwatig nito na kapag dumarating ang krisis ay may kaakibat na sakripisyo at ito ay tanda ng paggalang ng sambayanang Amerikano sa kanilang mga sundalo na nagbabantay sa bayan sa pamamagitan ng sakripisyo at paglilingkod.

Muling iginiit ng pangulo na dahil sa banta mula sa China ay kailangang palakasin ang suporta sa militar. Nanawagan siyang itigil na ang pagharang sa espesyal na badyet sa depensa upang mapanatili ang kakayahan ng hukbo na ipagtanggol ang bansa. Aniya, tulad ng kasabihang kailangang ihanda ang mga kasangkapan upang magawa nang maayos ang gawain, ang pagsuporta sa depensa at pagpasa ng badyet ay pinakamainam na paraan ng pagmamahal sa bayan.

Kasama ng pangulo sa aktibidad, sinabi ni Hsu Kuo-yung, kalihim heneral ng Democratic Progressive Party, na ang kalayaan ng Taiwan ay hindi rin libre at binayaran ito ng mabibigat na sakripisyo sa kasaysayan. Binanggit niya ang mga panahong may awtoritaryanismo at mga pangyayaring nagdulot ng pagkabilanggo at pagkawala ng buhay bilang patunay na ang demokrasya ay bunga ng pag-aalay ng buhay at kalayaan.

Ayon kay Hsu, upang mapanatili ang demokrasya at karapatang pantao, kinakailangang maglaan ng sapat na badyet sa depensa. Iginiit niya na ang paghahanda para sa digmaan ay paraan upang maiwasan ang digmaan at nangangailangan ito ng pamumuhunan sa kagamitan. Idinagdag niya na ang NT$1.25 trilyong badyet ay nakalatag sa walong taon at makatuwiran ang halaga. Nanawagan siya sa oposisyon na gumanap bilang responsable at tapat na oposisyon at hayaang agad na maipasa sa komite ang mga panukalang may kinalaman sa depensa.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解