Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Nagkaroon ng Avian Flu sa Taichung; Pangulo: Handa ang Sentral na Pamahalaan na Magbigay ng Tulong Kung Kinakailangan

30/01/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
President Lai-Ching-Te (劉玉秋攝)
President Lai-Ching-Te (劉玉秋攝)

Nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng avian flu sa isang poultry farm ng mga nangingitlog na manok sa Fengyuan District, Taichung City. Sinabi ni Pangulong Lai Ching-te noong araw (ika-29) habang nagsasagawa ng pag-aalay ng insenso sa Songzhu Temple sa Taichung na noong nakaraang taon ay hinarap ng Taiwan ang mga bagyong Danas at Haggasa, pati na rin ang pag-apaw ng dammed lake sa Hualien na nagdulot ng mga nasawi at pinsala. Nagpasalamat siya na daan-daang libong boluntaryo na tinawag na “mga bayani ng pala” ang nagtungo sa Hualien upang tumulong sa disaster relief.

Ipinaliwanag din ng Pangulo sa mga lokal na residente ang iba’t ibang pambansang patakarang itinutulak ng pamahalaan kamakailan. Aniya, aktibong pinapalakas ng gobyerno ang ekonomiya, at kamakailan ay natapos ang negosasyon sa taripa sa pagitan ng Taiwan at Estados Unidos. Nakamit ng Taiwan ang resulta ng patas na taripang 15% na hindi na pinapatungan pa, na nagpalakas ng kumpiyansa ng mga industriya. Ito ay bunga ng pagsisikap at dedikasyon ng negotiation team, at ng lakas ng industriya ng teknolohiya ng Taiwan na nagsilbing matibay na suporta sa negosasyon.

Dagdag pa ng Pangulo, mas pinapalawak ng pamahalaan ang child-rearing allowance, tuition subsidy, Long-Term Care 3.0, at mga polisiya sa pagbabawas ng buwis. Sa kasalukuyan, ang unemployment rate ay pinakamababa sa loob ng 25 taon, at maganda ang performance ng ekonomiya ng Taiwan. Nanawagan siya sa mga negosyo na dagdagan ang sahod ng mga empleyado upang mas mapabuti ang pamumuhay ng mamamayan.

Gayunman, sinabi rin ng Pangulo na dahil nakapag-ipon ang Taiwan ng matibay na pundasyong pang-ekonomiya, kailangang mas palakasin ang seguridad ng bansa upang maprotektahan ang pag-unlad ng ekonomiya at ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan. Binigyang-diin niya na mahalaga ang pambansang depensa. Isinusulong ng pamahalaan ang “Special Defense Budget,” na planong maglaan ng NT$1.25 trilyon sa loob ng walong taon upang itayo ang tinatawag na “Shield of Taiwan.” Isasama rin ang artificial intelligence sa defense system at palalakasin ang sariling kakayahan ng defense industry. Ang badyet na ito ay para sa pagtatanggol ng bansa, proteksyon ng mamamayan, at pagpapatuloy ng pag-unlad ng ekonomiya. Umaasa siya na susuportahan ito ng oposisyon at agad na maipapasa sa Legislative Yuan ang Special Defense Budget Act at ang pambansang badyet upang mas maging ligtas ang bansa, mas umunlad ang ekonomiya, at mas maalagaan ang mga mamamayan.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解