Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Lumakas ang Suporta ng Mamamayan sa Pamumuno ni Takaichi, Mas Tumitibay ang Alyansa ng Taiwan at Japan Bilang Posibleng Economic Strategic Partners

10/02/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Taiwan at Japan relationship. (AI generated image)
Taiwan at Japan relationship. (AI generated image)

Matapos ang malaking panalo ng Liberal Democratic Party ng Japan sa halalan para sa Mababang Kapulungan, sinabi ni Vice President Hsiao Bi-khim noong gabi ng ika-9, habang dumadalo sa Emperor’s Birthday Celebration Reception na inorganisa ng Japan Taiwan Exchange Association, na madalas igiit ng pamahalaan ng Japan ang kahalagahan ng kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait. Ipinahayag niya na umaasa ang Taiwan na mas mapapalalim pa ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan upang maisulong ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific. Umaasa rin ang Taiwan na patuloy na susuportahan ng Japan ang pagpapalawak ng partisipasyon ng Taiwan sa international community upang mas makapag ambag ang Taiwan sa mundo.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Hsiao na matagal nang lumampas sa distansyang heograpikal ang pagkakaibigan ng Taiwan at Japan at naging isang malalim na ugnayang nakabatay sa tiwala at magkakaparehong values. Patuloy na lumalalim ang ugnayan sa people to people exchanges, disaster assistance, at economic at trade cooperation. Bilang parehong mahalagang partners sa first island chain, umaasa ang Taiwan na makikipagtulungan sa Japan upang maisakatuparan ang malaya at bukas na Indo-Pacific at sama-samang itaguyod ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyon.

Binanggit din ng Vice President na sa harap ng tumitinding regional challenges, nauunawaan ng Taiwan na ang kapayapaan ay nakabatay sa lakas. Kaya patuloy na itataas ng Taiwan ang defense budget at maglalaan ng special defense budget upang palakasin ang defense resilience at ipakita ang matibay na determinasyon na ipagtanggol ang soberanya at demokratikong paraan ng pamumuhay.

Binati rin ni Hsiao si Japanese Prime Minister Takaichi Sanae sa pagkapanalo sa halalan at sa pagtanggap ng malawak na suporta ng mamamayang Hapon upang ipagpatuloy ang pamumuno sa Japan. Ayon sa kanya, ang malakas na public mandate na ito ay hindi lamang pagkilala sa leadership ni Takaichi kundi simbolo rin na mas titibay ang matatag na partnership ng Taiwan at Japan. Inaasahan ng Taiwan na makahanap pa ng mas maraming oportunidad ng kooperasyon sa pamumuno ni Takaichi at makabuo ng mas maliwanag na kinabukasan para sa dalawang bansa.

Sa kanyang panig, binigyang diin ni Japan Representative to Taiwan Kazuyuki Katayama ang kahalagahan ng Taiwan sa Japan at ang pagnanais na makipagtulungan sa iba pang partners upang paunlarin pa ang mahalaga at hindi mapapalitang Japan Taiwan partnership sa gitna ng mas nagiging hindi tiyak at hindi matatag na international environment.

Samantala, sa isang panayam noong ika-9, sinabi ni Taiwan Representative to Japan Lee Yi-yang na nahaharap ang Japan sa matagal na economic slowdown at pressure sa presyo ng mga bilihin, kaya inaasahan ng publiko ang mga polisiya na magpapalago ng ekonomiya at magpapabuti sa kabuhayan. Malinaw umanong ipinahayag ni Takaichi sa publiko na nais niyang pagkatiwalaan siya ng mamamayan upang magkaroon ng mas malakas na political mandate para iangat ang ekonomiya ng Japan, kontrolin ang inflation, at harapin ang iba’t ibang domestic at international challenges.

Ayon kay Lee, may potensyal ang Taiwan at Japan na paigtingin ang kooperasyon patungo sa pagiging economic strategic partners, lalo na sa high tech industries. Kabilang sa mga pangunahing larangan ng kooperasyon ang semiconductors, artificial intelligence, cybersecurity, digital transformation, at energy.

Idinagdag pa ni Lee na ang 17 strategic growth priorities na inilatag ni Takaichi ay may malaking pagkakatulad sa limang trusted industries at anim na core strategic industries ng Taiwan, kabilang ang semiconductors, AI, digital transformation, information and communications technology, at defense industry. Dahil dito, malawak ang oportunidad para sa mas malalim na kooperasyon ng dalawang bansa.

Umaasa si Lee na sa hinaharap ay mas mapapalakas pa ang partnership ng Taiwan at Japan sa high tech sector at maitatag ang isang economic strategic partnership na magdudulot ng mutual benefit, magpapalakas sa ekonomiya at national strength ng dalawang bansa, at magbibigay ng positibong epekto sa kapayapaan at kaunlaran ng Indo-Pacific region.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解