Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Mga Barkong Dual Use ng Tsina Pinag-aaralan ng Security Experts

17/02/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Naglabas ng statement ang Philippine Coast Guard sa Facebook na kamakailan ay nakakita sila ng humigit kumulang 50 Chinese maritime militia vessels na ilegal na nagtipon sa paligid ng Iroquois Reef sa Spratly Islands. (Larawan mula sa PCG Facebook)
Naglabas ng statement ang Philippine Coast Guard sa Facebook na kamakailan ay nakakita sila ng humigit kumulang 50 Chinese maritime militia vessels na ilegal na nagtipon sa paligid ng Iroquois Reef sa Spratly Islands. (Larawan mula sa PCG Facebook)

Noong huling bahagi ng 2025, nagtipon ang Tsina ng tinatayang 1000 hanggang 2000 bangkang pangisda sa East China Sea. Kasunod nito, napansin ng mga tagamasid ang cargo ship na Zhong Da 79 na umano ay may radar at mga mission container sakay. Pinaniniwalaang posibleng may lamang anti ship missiles ang mga container na ito. Ang mga naturang barko, kasama ang mga espesyal na uri ng pontoon o pier vessels, ay tinutukoy ng mga eksperto bilang dual use vessels at bahagi ng tinatawag na maritime militia ng Tsina.

Kung ihahambing sa taktika ng paggamit ng napakaraming tao sa labanan sa lupa, malamang na hindi makakalamang ang maritime militia vessels sa modernong naval warfare. Gayunpaman, itinuturing ang mga barkong ito bilang pangunahing instrumento sa pagsasagawa ng gray zone operations. Upang matugunan ito, iminungkahi ang pagpapalakas ng kakayahan ng coast guard sa sea at air surveillance. Sa kasalukuyan, isa sa pangunahing tinutulak na hakbang ay ang pagbuo at mas malawak na paggamit ng drone fleet para sa maritime monitoring at security operations.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解