Upang makahikayat ng mas maraming international business travelers na pumunta sa Taiwan para sa conferences at exhibitions at mapahaba ang kanilang pananatili habang pinapalakas ang tourism spending, inanunsyo ng International Trade Administration ng Ministry of Economic Affairs ngayong ika 13 ang rebisyon sa subsidy program para sa side trip tourism kaugnay ng pagho host ng international conferences at exhibitions sa Taiwan. Pinaluwag ang saklaw ng subsidy period at halaga, at nagdagdag din ng online application system. Sa ilalim ng bagong polisiya, maaaring umabot hanggang 600,000 New Taiwan dollars ang subsidy bawat proyekto. Layunin nitong palakasin ang spillover effect ng MICE activities sa tourism at sa mas malawak na ekonomiya.
Ayon sa Trade Administration, may dalawang pangunahing pagbabago sa polisiya. Una, pinalawak ang subsidy coverage period. Dati, ang side trip tourism ay limitado lamang sa tatlong araw bago at tatlong araw pagkatapos ng MICE event. Simula ngayong taon, isasama na rin ang tourism activities habang isinasagawa ang MICE event. Inayos din ang subsidy amount kung saan magiging 2000 TWD per person kada araw para sa tatlong araw bago at pagkatapos ng event, at 1000 TWD per person kada araw habang isinasagawa ang event. Layunin nitong bigyan ng mas malaking flexibility ang event organizers sa pagplano ng itinerary.
Ikalawa, bukod sa dating paper based application, nagdagdag na rin ng online application system upang pasimplehin ang proseso at mapataas ang administrative efficiency. Ang programang ito ay gumagamit ng tourism related budget upang hikayatin ang mga foreign participants na mag travel din sa Taiwan, mapahaba ang kanilang stay, at mapataas ang kanilang tourism spending, na magpapalawak sa economic benefits ng MICE activities.
Sa usapin ng eligibility, ang mga organizers na tumatanggap ng subsidy mula sa Trade Administration para sa international conferences o exhibitions ngayong taon ay maaaring mag apply. Gayunpaman, hindi kasama ang mga kalahok na sumali na sa programang tumutulong sa pag imbitahan ang foreign buyers at exhibitors na pumunta sa Taiwan. Ang target beneficiaries ay ang mga foreign participants na aktwal na pupunta sa Taiwan para sa MICE events at ang kanilang companions. Kinakailangan ding makipag partner ang organizers sa domestic comprehensive o Class A travel agencies para magplano at magpatupad ng tourism itineraries.
Ayon pa sa Trade Administration, bukas na ang application simula ngayon hanggang Nobyembre 30, at ang implementation period ng proyekto ay hanggang katapusan ng taon. Inaasahan na sa pamamagitan ng integration ng MICE at tourism resources, mas mapapalakas ang posisyon ng Taiwan bilang international destination para sa business at leisure travel.