Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Pangulo Nagpasalamat sa Chiayi Police sa Dagdag na Sakripisyo ngayong Chinese New Year

15/02/2026 12:15
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
President Lai Ching-te. (CNA)
President Lai Ching-te. (CNA)

Ngayong ika-15 ay bisperas ng Chinese New Year, bumisita si Pangulong Lai Ching-te sa Shuishang Precinct ng Chiayi County Police Bureau upang magbigay-pugay at pasasalamat. Ayon sa Pangulo, sadyang Chiayi County ang pinili niyang puntahan dahil matagumpay nitong nakuha ang pagkakataong magdaos ng Taiwan Lantern Festival ngayong taon. Dahil dito, hahaba pa ang mabibigat na tungkulin ng mga pulis at kaugnay na ahensiya, kaya personal siyang nagpunta upang magbigay ng suporta at lakas ng loob. Umaasa siyang sa pagsisikap ng lahat ay mararamdaman ng mga residente at mga turistang darating na tunay na maganda at maayos ang Chiayi County.

Sinabi rin ng Pangulo na ang holiday ngayong taon ay aabot ng siyam na araw at ang ika-15, na bisperas ng Chinese New Year, ay ikalawang araw pa lamang ng mahabang bakasyon. Bukod sa pagpapanatili ng kaayusan at maayos na daloy ng trapiko, may dagdag pang hamon dahil gaganapin ang Taiwan Lantern Festival sa Chiayi County mula Marso 3 hanggang 15, sa pagsisikap ni County Magistrate Weng Chang-liang. Dahil dito, mas hahaba ang mabigat na trabaho ng mga pulis. Binati ng Pangulo ang lahat at sinabing umaasa siyang sa tulong ng mga pulis ay mararanasan ng publiko at mga bisita ang mahusay na seguridad, trapiko, at serbisyo sa Chiayi County sa panahon ng festival at bakasyon.

Upang kilalanin ang sakripisyo ng mga pulis, inaprubahan din ng Executive Yuan ang rebisyon sa police duty allowance table, na magtataas sa mga benepisyo para sa kriminal na imbestigasyon at mabibigat na assignment. Karamihan sa mga kriminal na imbestigador ay makakatanggap ng dagdag na humigit-kumulang NT$1,940 kada buwan. Isasama rin ang mga pulis ng lokal na pamahalaan sa dagdag-benepisyo para sa mabibigat na tungkulin, na makikinabang ang halos 60,000 pulis sa buong bansa, na may dagdag na NT$2,328 hanggang NT$3,880 bawat buwan. Magsisimula itong ipatupad sa Marso 1 bilang patunay ng determinasyon ng pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng mga pulis.

Pinuri rin ng Pangulo ang mabilis na pag-unlad ng Chiayi County sa mga nakaraang taon. Aniya, sa pamumuno ni Magistrate Weng Chang-liang, hindi na lamang agrikultura ang lakas ng lugar kundi nakakasabay na ito sa pambansa at pandaigdigang pag-unlad. Bukod sa mayamang kulturang agrikultural, umuunlad din ang precision machinery industry, may lumalagong drone cluster, at matatagpuan din dito ang advanced semiconductor packaging at testing facilities. Kapag naitatag ang mga planong industrial park sa hinaharap, inaasahang magiging mahalagang puwersa ang Chiayi County sa pandaigdigang industriya at magkakaroon ng malaking papel sa pambansang pag-unlad at kaunlaran ng mundo.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解