Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Sa Armed Forces Day Commendation Ceremony, Koo Li-hsiung: Ang Military Service Administration ang Batayan ng Pambansang Seguridad

26/02/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 呂曉倩
Koo Li-hsiung, photo from Rti.
Koo Li-hsiung, photo from Rti.

Idinaos noong ika-25 ng Ministry of National Defense ang 2026 Armed Forces Day Celebration at Awarding Ceremony. Ayon kay Defense Minister Koo Li-hsiung, ang pamamahala sa conscription ay pundasyon ng pambansang seguridad at panlipunang kaunlaran. Matapos ang ganap na pagbabalik ng isang taong mandatory military service, nagpasalamat siya sa mga personnel ng conscription affairs sa kanilang pagsisikap upang mapanatili ang fairness ng sistema at mapatatag ang kooperasyon ng militar at sibilyan para sa katatagan ng lipunan.

Ipinaliwanag ni Koo na bilang tugon sa pangangailangan ng national defense at pagbabago sa international strategic environment, nagsagawa ng reporma ang Executive Yuan noong 2022 upang ibalik ang isang taong compulsory service at palakasin ang intensity at integridad ng military training. Kasabay nito, naglatag ang Ministry of the Interior ng mga kaukulang hakbang para sa alternative service upang suportahan ang military duties, kabilang ang pagrepaso sa physical fitness standards at re-examination system upang mapanatili ang pagiging makatarungan ng conscription system.

Binigyang-diin ni Koo na ang conscription administration ay hindi lamang bahagi ng national security kundi mahalagang batayan din ng social development. Dahil sa dedikasyon ng mga personnel, napagbubuklod ang lakas ng militar at mamamayan upang epektibong makatugon sa mga kalamidad at krisis, at mapanatili ang katatagan ng lipunan.

Samantala, dumalo rin sa seremonya si Interior Minister Liu Shyh-fang, na nagsabing ang mga medalya na iginawad ay sumisimbolo sa ambag ng mga awardees sa nakaraang taon at sa kabuuan ay kumakatawan sa civil defense preparedness at social resilience ng buong bansa. Binanggit niya ang naging papel ng militar at alternative service personnel sa pagtugon sa mga kalamidad noong nakaraang taon.

Alinsunod din sa direktiba ni Pangulong Lai Ching-te hinggil sa whole-of-society defense resilience, sinabi ni Liu na nakapagsanay ang Ministry of the Interior ng mahigit 110,000 disaster prevention specialists sa nakaraang taon. Nakipagtulungan din ito sa Ministry of National Defense sa paglalathala ng “Taiwan All-Out Defense Guide” (kilala bilang “Orange Book”) upang higit pang mapalaganap ang kamalayan sa disaster preparedness at hikayatin ang mamamayan na makibahagi sa pagtatanggol sa bansa.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解