Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Tatlong Bansa Nag-ehersisyo Malapit sa Taiwan. Japan Nagpadala ng Patrol Plane sa Bashi Channel

27/02/2026 14:42
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Unang magkasanib na pagsasanay ng Japan, Estados Unidos, at Pilipinas sa Bashi Channel. (Larawan: X @TeamAFP)
Unang magkasanib na pagsasanay ng Japan, Estados Unidos, at Pilipinas sa Bashi Channel. (Larawan: X @TeamAFP)

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsagawa ng magkasanib na pagsasanay ang militar ng Pilipinas, Japan Maritime Self-Defense Force, at puwersa ng Estados Unidos malapit sa Taiwan noong unang bahagi ng linggong ito. Unang beses din na nagpadala ang Japan ng eroplano ng Self-Defense Forces upang lumahok. Nakunan naman ng Japanese News Network o JNN ang isang barko ng China na sumusunod sa pagsasanay.

Ayon sa ulat ng TBS ng Japan, mula ika-23 ng buwang ito ay nagsagawa ang Japan, Estados Unidos, at Pilipinas ng mga patrol na panghimpapawid at iba pang aktibidad sa Bashi Channel na malapit sa Taiwan. Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ang tatlong bansa ng magkasanib na pagsasanay sa paligid ng Taiwan.

Habang isinasagawa ang pagsasanay, nakita rin ng JNN ang presensya ng mga barkong pandigma ng China na naglalayag sa kalapit na lugar. Sinabi ng isang komandante ng militar ng Pilipinas na bihira ang ganitong sitwasyon at ang mga barko ng China ay tila sumusunod sa mga kalahok ng ehersisyo.

Dagdag sa ulat, patuloy ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa South China Sea dahil sa agawan sa teritoryo. Kasabay nito, tumataas din ang pangamba sa posibleng krisis sa Taiwan. Dahil dito, lumilitaw na pinatitibay ng Pilipinas ang kakayahang tumugon sa pamamagitan ng mas malapit na pakikipagtulungan sa Japan at Estados Unidos.

Iniulat naman ng Nippon TV na noong ika-24 ng buwan, nagsagawa ang Japan Self-Defense Forces kasama ang Estados Unidos at Pilipinas ng tinatawag na Maritime Cooperative Activity sa Bashi Channel, na nakatuon sa pagsusulong ng kalayaan sa paglalayag at iba pang prinsipyo.

Ang Maritime Cooperative Activity ay isang balangkas ng magkasanib na pagsasanay na layong ipakita ang kahalagahan ng malayang paglalayag. Sumali ang Japan sa programang ito simula 2024 at itinuturing itong mas malapit sa aktuwal na operasyon kumpara sa karaniwang pagsasanay.

Sa pagkakataong ito, nagpadala ang Japan ng P-3C maritime patrol aircraft ng kanilang Maritime Self-Defense Force. Ito ang unang beses na lumahok ang isang eroplano ng Self-Defense Forces sa ganitong aktibidad.

Ayon sa mga opisyal ng Ministry of Defense ng Japan, ang pagpapadala ng eroplano ay nagpapakita ng mas matibay na kooperasyon sa pagitan ng mga bansang kalahok. Kinumpirma rin ng Joint Staff ng Japan Defense Ministry ngayong ika-27 na ang P-3C patrol aircraft ay lumahok sa pagsasanay sa hilaga ng Luzon noong ika-24 ng buwan.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解