Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwan Patok sa Vancouver Outdoor Adventure Travel Show

04/03/2026 12:53
Editor ng Pagsulat: 何薇薇
DF
Patok ang Taiwan sa Vancouver Outdoor Adventure Travel Show, dagsa ang mga bisita sa booth

Lumahok ang Taiwan Tourism Administration sa taunang Vancouver Outdoor Adventure Travel Show at naghatid ng malinaw na mensahe sa mga Canadian travelers: Pumunta sa Taiwan, at ang adventure ay nasa harap mo mismo.

(Larawan kuha ng Central News Agency reporter Cheng Ai-fen sa Vancouver, Marso 3, 2026)
DF Patok ang Taiwan sa Vancouver Outdoor Adventure Travel Show, dagsa ang mga bisita sa booth Lumahok ang Taiwan Tourism Administration sa taunang Vancouver Outdoor Adventure Travel Show at naghatid ng malinaw na mensahe sa mga Canadian travelers: Pumunta sa Taiwan, at ang adventure ay nasa harap mo mismo. (Larawan kuha ng Central News Agency reporter Cheng Ai-fen sa Vancouver, Marso 3, 2026)

Ayon sa ulat ng Central News Agency noong ika-2, ginanap sa loob ng dalawang araw ang Vancouver Outdoor Adventure Travel Show sa Vancouver Convention Centre, na dinaluhan ng mahigit 10,000 bisita.

Ang Taiwan booth ay naging isa sa pinakapansin-pansin sa mahigit 200 exhibitors, dahil sa magagandang tanawin ng bundok at dagat, mayamang kalikasan, at kumpletong cycling routes na talagang nakaakit sa mga mahilig sa adventure travel.

Lumahok ang Taiwan Tourism Administration sa taunang event upang iparating sa mga Canadian travelers ang malinaw na mensahe: Sa Taiwan, nasa harap mo ang adventure.

Sa kanilang booth, ipinakita ang iba’t ibang travel experiences sa Taiwan sa pamamagitan ng malalaking posters, videos, larawan at impormasyon. Ipinakita ang matatayog na bundok, baybaying-dagat, luntiang kagubatan, masiglang lungsod at mayamang kultura.

Mula sa cycling tours, mountain hiking, railway exploration, hanggang sa food trips — maaaring maranasan ng mga turista ang iba’t ibang klase ng adventure sa loob ng isang maliit ngunit maginhawang isla.

Isa pang highlight ng event ay ang espesyal na presentation sa main stage ng Tourism Administration na may temang “Adventures Await in Taiwan.”

Sa pamamagitan ng makukulay na visuals at praktikal na impormasyon, ipinakita nila na ang Taiwan ay isang paraiso para sa mga mahilig sa outdoor activities — maaaring mag-diving sa Kenting, mag river tracing sa Hualien, mag-surf sa Northeast Coast, mag-hiking sa matataas na bundok, o kaya’y mag bird-watching sa mga kagubatan at wetlands.

Ayon kay Ricky Poon, head ng One Dream Travel, ang Taiwan tour package nila ngayong taon ay nakatuon sa cycling tours. Sinabi niya na sa Greater Vancouver, maraming tao ang nagbibisikleta buong taon, at sa Taiwan ay may daan-daang maayos at patag na bike paths na puwedeng gamitin ng beginners at experienced cyclists.

Samantala, si Svetlana Senyuk, isang travel agent na nagseserbisyo sa mga Canadian na may Russian at European background, ay interesado sa medical check-up tourism at aesthetic medicine tourism ng Taiwan, at naniniwalang magiging kaakit-akit ito sa kanyang mga kliyente.

Hinihikayat din ni Li Sih-hsien ang mga Canadian travelers na samantalahin ang “transit tourism.”

Sinabi niya na ang mga foreign passport holders na magta-transit sa Taoyuan International Airport at papasok sa Taiwan nang hindi lalagpas sa 24 oras ay makakatanggap ng NT$600 airport consumption voucher, upang maging mas makabuluhan ang kanilang paghihintay sa connecting flight.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解