Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

World Indoor Tug-of-War Open Tournament: Sinungkit ng Taiwan ang Gold, Silver at Bronze sa Women’s 500 kg Category

16/03/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
LD
World Indoor Tug-of-War Championships sa Taipei; Nagkamit ng Ginto ang Jingmei–NTNU Team B

Nagsimula noong ika-12 ang 2026 Taipei World Indoor Tug-of-War Championships sa Taipei Arena. Sa unang araw ng open tournament ay nagpakita ng kahanga-hangang resulta ang Taiwan, kung saan nagkamit ng gold medal ang Jingmei–National Taiwan Normal University (NTNU) Team B sa women’s 500 kg category.
(Ibinigay ng Chinese Taipei Tug of War Association)

Larawang ipinadala ni CNA reporter Li Jian-zhong, Marso 12, 2026.
LD World Indoor Tug-of-War Championships sa Taipei; Nagkamit ng Ginto ang Jingmei–NTNU Team B Nagsimula noong ika-12 ang 2026 Taipei World Indoor Tug-of-War Championships sa Taipei Arena. Sa unang araw ng open tournament ay nagpakita ng kahanga-hangang resulta ang Taiwan, kung saan nagkamit ng gold medal ang Jingmei–National Taiwan Normal University (NTNU) Team B sa women’s 500 kg category. (Ibinigay ng Chinese Taipei Tug of War Association) Larawang ipinadala ni CNA reporter Li Jian-zhong, Marso 12, 2026.

Nagsimula noong ika-12 sa Taipei Arena ang 2026 World Indoor Tug-of-War Championships, kung saan agad nakakuha ang Taiwan ng kahanga-hangang resulta na 3 gold, 3 silver at 3 bronze medals sa unang araw ng open tournament. Kabilang dito ang pagwawalis ng Taiwan sa gold, silver at bronze medals sa women’s 500 kilogram category.

Ang Taipei World Indoor Tug-of-War Championships ay tatagal ng apat na araw. Ang ika-12 at ika-13 ay nakalaan para sa open tournament, habang ang ika-14 at ika-15 ay ang pangunahing championship competition. Sa open tournament, ang mga koponan ay kadalasang nagrerehistro bilang mga grupo na hindi nakabatay sa national teams o clubs, samantalang sa championship ay mga national teams ang lumalahok.

Sa kompetisyong ito, may mga kalahok mula sa 14 na bansa at rehiyon, kabilang ang Basque Country, England, Italy, Ukraine, Latvia, Netherlands, United States, Japan, South Korea, Mongolia, Hong Kong, Thailand, Vietnam, at Taiwan.

Mayroong mahigit 100 koponan ang lumahok (80 sa open tournament at 62 sa championship), at mahigit 1,000 atleta at team officials ang dumating sa Taiwan upang makipagkompetensya.

Sa unang event ng open tournament na youth girls 480 kg category, nagkampeon ang Jingmei Girls High School tug-of-war team matapos magtala ng perpektong record na walang talo.

Ayon kay Chen Yu-chieh, isang Grade 12 student mula sa Jingmei Girls High School, nakasali na siya dati sa international outdoor tug-of-war competitions. Gayunpaman, ito ang kanyang unang pagkakataon na sumali sa isang world-level indoor tug-of-war competition, at isang malaking karangalan para sa kanya na makipagkumpetensya sa harap ng mga kababayan sa Taiwan, bagama’t aminado siyang nakaramdam din siya ng kaunting kaba.

Binigyang-diin niya na mas gusto niya ang indoor tug-of-war kaysa outdoor tug-of-war dahil mas nagagamit niya ang kalamangan ng kanyang tangkad, at may tiwala siya sa kanyang indoor tug-of-war techniques.

Sumunod na lumaban si Chen Yu-chieh sa women’s 500 kg category, kung saan nakipaglaban siya kasama ang kanyang mga nakatatandang teammates bilang isang junior member ng koponan. Kumpara sa laban sa umaga, sinabi niyang mas kaunti ang pressure sa sumunod na laban.

Gayunpaman, inamin niya na ang competition lane ay mas madulas kaysa sa kanilang practice area. Dagdag pa rito, ang mga kalaban sa women’s 500 kg category ay mas matatanda at may mas matibay na endurance, kaya mas matagal silang nakakapit sa laban. Dahil dito, lubos na nasusubok ang kanilang teknik at kakayahang mag-adjust sa sitwasyon.

Samantala, ang Taipei City University team, na naghahangad na ipagtanggol ang kanilang titulo, ay nanalo ng gold medal sa open U23 mixed 560 kg category.

Ipinaliwanag ng head coach na si Chen Chen-lung, “Ang pangunahing kahinaan ng kalabang koponan mula Ukraine ay ang kanilang stability sa basic techniques. Dahil dito, mabilis nawawala ang kanilang puwersa. Samantala, sa amin, sinisigurado naming hindi kami matutumba at hindi rin nawawala ang aming lakas.”

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解