Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwan balik ASF-free status; Pangulong Lai Ching-te nangakong palalakasin ang biosecurity

07/04/2026 13:30
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Ayon sa pangulo, officially nang inaprubahan ng World Organisation for Animal Health (WOAH) na nakabalik na ang Taiwan sa listahan ng mga bansang walang African swine fever. (Photo: Facebook ni Lai Ching-te)
Ayon sa pangulo, officially nang inaprubahan ng World Organisation for Animal Health (WOAH) na nakabalik na ang Taiwan sa listahan ng mga bansang walang African swine fever. (Photo: Facebook ni Lai Ching-te)

Opisyal na kinilala ng World Organisation for Animal Health (WOAH) noong Abril 6 na muling kabilang ang Taiwan sa hanay ng mga bansang malaya sa African swine fever. Ayon kay Pangulong Lai Ching-te noong gabi ng ika-6, dahil sa sama-samang pagsisikap ng lahat ay nagawang malampasan ng Taiwan ang iba’t ibang hamon sa pamamagitan ng pagkakaisa. Dagdag niya, patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang katatagan ng mga hakbang laban sa sakit at isusulong ang industriya patungo sa pandaigdigang merkado upang manatiling kilala ang karne ng baboy mula Taiwan sa buong mundo.

Ayon sa Ministry of Agriculture noong ika-6, mas maagang nakuha ng Taiwan ang pag-apruba ng WOAH upang maibalik ang katayuan nito bilang self-declared na lugar na walang African swine fever. Dahil dito, muling naging tanging bansa sa Asya ang Taiwan na malaya sa tatlong pangunahing sakit ng baboy, kabilang ang foot-and-mouth disease, classical swine fever, at African swine fever.

Sa isang Facebook post noong gabi, sinabi ng pangulo na ang mabilis na pagpasa sa mahigpit na pagsusuri ay bunga ng matagal nang naipong sistema at propesyonalismo ng Taiwan. Mula sa pagmamanman hanggang sa pagtugon, at mula sa mga hangganan hanggang sa sektor ng industriya, unti-unting nabuo ng Taiwan ang kakayahang pangkalusugan ng hayop na umaayon sa pandaigdigang pamantayan. Hindi lamang nito naprotektahan ang bansa kundi nakakuha rin ng tiwala mula sa internasyonal na komunidad.

Binigyang-diin ng pangulo na ang tagumpay na ito ay para sa lahat ng patuloy na tumutupad sa kanilang tungkulin at sama-samang nagsumikap. Taos-puso niyang pinasalamatan ang mga mag-aalaga ng baboy, mga kawani ng pamahalaan, mga tauhan sa quarantine at disease prevention, pati na rin ang mga eksperto at iskolar na tumulong sa prosesong ito. Dahil sa kanilang dedikasyon at propesyonalismo, napanatili ang kaligtasan ng industriya ng baboy sa Taiwan.

Dagdag pa niya, dapat ding pasalamatan ang buong mamamayan dahil sa kanilang disiplina sa pagsunod sa mga patakaran sa pagpasok at paglabas ng bansa, pati na rin ang kanilang pag-unawa at suporta sa mga hakbang sa pag-iwas sa sakit. Ang bawat kontribusyon ay mahalagang bahagi ng matibay na depensa laban sa mga banta.

Ayon kay Pangulong Lai, dahil sa pagkakaisa ng lahat ay nagawang malampasan ng Taiwan ang iba’t ibang pagsubok. Sa hinaharap, patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang katatagan ng sistema laban sa sakit at isusulong ang industriya sa pandaigdigang antas upang patuloy na makilala ang produktong baboy ng Taiwan sa buong mundo.

Samantala, nag-post din sa Facebook noong gabi ng ika-6 si Cho Jung-tai na may mensaheng pasasalamat. Ayon sa kanya, dahil sa tiyaga ng mga magsasaka ng baboy at sa mahusay at tuloy-tuloy na pagtutulungan ng lahat, napagtagumpayan ang hamon, at ang de-kalidad na karne ng baboy mula Taiwan ay muling makakapasok sa pandaigdigang merkado.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解