Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Konstruksyon ng Parlamento ng Marshall Islands, Sinuri ni Lin Chia-lung; Pinondohan ng Taiwan at U.S.

09/04/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 呂曉倩
Photo from Lin Chia-lung's Facebook
Photo from Lin Chia-lung's Facebook

Pinangunahan ni Foreign Minister Lin Chia-lung ang isang business and trade delegation sa kanyang pagbisita sa Pacific ally na Marshall Islands bilang Presidential envoy. Ayon sa post niya sa social media ngoong ika-8, personal niyang ininspeksyon ang konstruksyon ng bagong gusali ng Parlamento ng Marshall Islands. Binanggit ni Lin na magkatuwang na pinopondohan ng Taiwan at U.S. ang proyekto, at umaasa siyang matatapos ito nang maayos.

Sa unang bahagi ng kanyang pagbisita, ayon sa tradisyon ng lugar, bumisita muna si Lin sa tahanan ni Amata Kabua, pambansang ama ng Marshall Islands, upang mag-alay ng bulaklak bilang pagpapakita ng respeto. Sumunod ay nagtungo siya sa opisina ng Pangulo Hilda C. Heine upang ipasa ang kanyang credentials bilang espesyal na sugo ng Pangulo.

Ipinahayag ni Heine ang mataas na pagpapahalaga sa matibay na ugnayan ng Taiwan at Marshall Islands, at inaasahan ang patuloy na pagpapalalim ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan. Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Lin ang pamahalaan ng Marshall Islands sa pamumuno ni Heine sa pagpapalawak ng bilateral cooperation, at inaasahan niyang magbubunga ito ng mas maraming konkretong resulta sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan.

Kasunod nito, kasama ang Speaker ng Marshall Islands Brenson Wase, bumisita si Lin sa construction site ng bagong gusali ng Parlamento. Ayon sa ulat, nasunog ang dating gusali noong Agosto ng nakaraang taon. Binanggit ni Lin na tutulong ang Taiwan at Estados Unidos sa muling pagtatayo nito. Ayon kay Lin Chao-hung, Director ng Asia-Pacific Affairs sa Ministry of Foreign Affairs, “Ang pangunahing tulong para sa reconstruction ng Parliament Building ay mula sa pamahalaang U.S., na naglaan ng 13 milyong dolyar, habang ang Taiwan at ibang bansa ay magbibigay ng karagdagang suporta.”

Dagdag pa rito, binanggit ng U.S. Department of State noong Setyembre 20, 2025, sa dokumentong “U.S. Partnership with the Republic of the Marshall Islands” na kasabay ng pondong ito, magkatuwang ang U.S., Taiwan, at Marshall Islands sa pagbibigay ng 8.3 milyong dolyar upang modernisahin ang lumang fleet ng Marshall Islands Aviation para mapabuti ang disaster response at palakasin ang koneksyon sa mga malalayong isla.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解