Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Analyst: Hindi Pa Ganap na Mature ang Teknolohiya para sa Malawakang Paggamit ng Humanoid Robots sa Loob ng 3 Taon

10/05/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 呂曉倩
Photo from Pixabay.
Photo from Pixabay.

Kamakailan ay sinabi ni Jensen Huang na posibleng unti-unting mabuo ang tinatawag na “robot era” sa loob ng susunod na tatlong taon, bagay na itinuturing na unang malinaw na prediksyon hinggil sa timetable ng malawakang paggamit ng mga robot. Gayunpaman, ayon sa mga analyst, bagama’t malinaw ang pangmatagalang growth trend ng robotics industry, hindi pa sapat ang kahandaan ng teknolohiya at business models para sa mabilisang paglaganap nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Huang na ang AI ay mabilis nang lumilipat mula sa digital world patungo sa physical world, habang patuloy na umuunlad ang tinatawag na Physical AI. Ayon sa kanya, ang mga robot na may reasoning capabilities ay maaaring maging mas karaniwan sa loob ng isa hanggang tatlong taon at gagamitin sa mga larangan tulad ng autonomous vehicles, robotaxis, at intelligent robots.

Ipinaliwanag din ni Huang na malaki na ang naging progreso sa teknolohiya ng self-driving taxis. Ngunit para naman sa humanoid robots, hindi lamang AI models ang kailangan kundi pati na rin ang pag-unlad ng mga mahahalagang teknolohiya gaya ng motors, batteries, materials, at electromechanical integration.

Ayon kay senior analyst na si Tsai Ming-han, malaki ang naging atensyon ng merkado sa pahayag ni Huang tungkol sa timeline ng robotics development. Gayunpaman, sinabi niyang hindi pa ganap na mature ang kasalukuyang teknolohiya kaya mahirap pang asahan ang mabilisang mass adoption sa maikling panahon.

Dagdag pa niya, napakalawak ng saklaw ng terminong “robotics.” Kung industrial robots ang pag-uusapan, matagal na umano itong bahagi ng mature at malawakang ginagamit na industriya.

Sinabi ni Tsai na bagama’t tiyak ang direksiyon ng robotics industry sa hinaharap, duda siya kung posible itong mangyari nang ganoon kabilis dahil marami pang teknikal na hamon ang kailangang resolbahin.

Ayon pa sa kanya, karamihan sa Taiwan robot-related stocks ay nananatiling “story-driven” o mas nakaangkla sa market hype kaysa sa aktwal na business fundamentals. Sa kasalukuyan, limitado pa rin umano ang totoong kontribusyon ng robotics business sa kita ng maraming kumpanya.

Para sa mga investor, iminungkahi ni Tsai na mas pagtuunan ng pansin ang mga kumpanyang may matatag na pangunahing negosyo habang sabay na nagde-develop ng robotics technologies. Bilang halimbawa, binanggit niya ang ilang machine tool manufacturers na nagsimula nang pumasok sa mga application tulad ng joint modules para sa robots.

Aniya, kahit hindi pa malaki ang kinikita ng mga kumpanyang ito mula sa robotics segment, may sapat pa rin silang suporta mula sa kanilang pangunahing negosyo kaya mas angkop silang pagbasehan para sa long-term investment strategies.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解