Tinanggap ni Lai Ching-te noong hapon ng ika-6 ng Mayo si Shuzo Sumi at nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng Japan sa Taiwan, lalo na sa gitna ng tumitinding pressure mula sa China.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Lai si Sumi sa aktibong pagpapalalim ng Taiwan-Japan relations sa pamamagitan ng kanyang mga konkretong hakbang mula nang manungkulan bilang chairman noong Hunyo ng nakaraang taon. Ito na rin ang ikatlong pagbisita ni Sumi sa Taiwan sa loob lamang ng isang taon.
Ayon kay Lai, mahalagang papel ang ginagampanan ng Japan-Taiwan Exchange Association at ng Taiwan-Japan Relations Association sa pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang panig. Sa kabila ng iba’t ibang hamon at limitasyon, matagumpay umano silang nakapagtatag ng maraming tulay ng kooperasyon sa larangan ng ekonomiya, kultura, turismo, edukasyon, at sports.
Binanggit din ng pangulo na mahigit 100 cooperation memorandums ang napirmahan sa pagitan ng Taiwan at Japan. Partikular niyang tinukoy ang pagbisita ni Sumi noong Disyembre kung saan nilagdaan ang Taiwan-Japan Digital Trade Agreement at Regional Customs Cooperation Memorandum, na lalo pang nagpapatibay sa economic partnership ng dalawang bansa.
Umaasa si Lai na magagamit pa ang impluwensya ni Sumi upang higit pang mapalalim ang bilateral cooperation sa ekonomiya at iba pang larangan para sa mutual benefit ng Taiwan at Japan.
Nagpasalamat din si Lai sa gobyerno at parlamento ng Japan dahil sa paulit-ulit nitong pagpapahayag ng suporta sa kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait.
Ayon sa pangulo, noong nakaraang buwan ay pansamantala niyang ipinagpaliban ang kanyang pagbisita sa Eswatini dahil sa pressure mula sa China. Agad umanong kinondena ng mga mambabatas mula sa ruling at opposition parties ng Japan ang umano’y unreasonable suppression at bullying ng China laban sa Taiwan.
Sinabi ni Lai na ipinapakita ng matatag na suporta ng Japan ang kanilang malinaw na commitment sa regional peace and stability, kaya taos-puso siyang nagpapasalamat sa ngalan ng mamamayan ng Taiwan.
Tinalakay rin ni Lai ang kamakailang talumpati ni Sanae Takaichi sa Vietnam tungkol sa upgraded “Free and Open Indo-Pacific” o FOIP strategy. Ayon sa kanya, mahalagang puwersa para sa kinabukasan ng Indo-Pacific ang pagpapalakas ng supply chain resilience, AI development, at security cooperation.
Samantala, binati naman ni Sumi si Lai sa matagumpay na pagbisita nito sa Eswatini at sa ligtas nitong pagbabalik sa Taiwan.
Sinabi ni Sumi na mula noong huli niyang pagbisita noong Disyembre, lalo pang lumalim ang Taiwan-Japan relations sa gitna ng lumalalang global uncertainty kabilang ang sitwasyon sa Ukraine at Iran. Para sa kanya, lalong nagiging mahalaga ang partnership sa pagitan ng mga bansang may magkakatulad na democratic values.
Ayon pa kay Sumi, matagal nang may matibay na mutual trust ang Taiwan at Japan. Sa economic sector, aktibo na umano ang kooperasyon ng dalawang panig sa semiconductors, artificial intelligence, at ICT industries na nakikita nilang magiging pundasyon ng future society.
Binanggit din niya ang Taiwan-Japan Disaster Prevention Forum na ginanap sa Kaohsiung noong Enero kung saan tinalakay ang mas malalim na disaster prevention cooperation. Umaasa siyang magpapatuloy at lalo pang lalawak ang partnership ng Taiwan at Japan sa iba’t ibang larangan sa hinaharap.