Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Sa Pagbubukas ng ASEAN Summit, Nanawagan ang Pangulo ng Pilipinas ng Kooperasyon Upang Harapin ang Epekto ng Digmaan sa Gitnang Silangan

11/05/2026 09:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Idinaos noong ika-8 sa metropolitan Cebu sa gitnang bahagi ng Pilipinas ang ika-48 ASEAN Summit, kung saan nagbigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas. Larawan mula sa ASEAN.
Idinaos noong ika-8 sa metropolitan Cebu sa gitnang bahagi ng Pilipinas ang ika-48 ASEAN Summit, kung saan nagbigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas. Larawan mula sa ASEAN.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas noong ika-8 sa ASEAN Summit na sa gitna ng lumalalang sigalot sa Gitnang Silangan, kailangang magtulungan ang mga lider ng ASEAN upang tugunan ang mga epekto nito at matiyak ang katatagan sa enerhiya, seguridad sa pagkain, at kaligtasan ng mga mamamayang nasa ibayong dagat.

Ginaganap sa metropolitan Cebu sa gitnang bahagi ng Pilipinas ang ika-48 summit ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, at dinaluhan ito ng lahat ng 11 lider ng mga bansang kasapi.

Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Marcos na labis na nababahala ang ASEAN sa armadong sigalot sa pagitan ng Israel, Estados Unidos, at Iran. Aniya, malaki ang naging epekto nito sa pandaigdigang pagdaloy ng transportasyong pandagat at panghimpapawid, gayundin sa suplay ng enerhiya at mga pangunahing pangangailangan.

Ipinunto niya na ipinapakita ng krisis na ito ang agarang pangangailangan para sa mga bansang kasapi ng ASEAN na palakasin ang praktikal na kooperasyon at pangalagaan ang tinatawag na “ASEAN centrality and unity” sa harap ng tumitinding tensyong heopolitikal.

Inilahad ni Marcos ang tatlong pangunahing prayoridad ng ASEAN sa kasalukuyan, ang pagtiyak sa seguridad at katatagan ng enerhiya, pagpapatatag ng suplay ng pagkain, at pagprotekta sa mga overseas nationals at manggagawa ng ASEAN na apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.

Hinimok niya ang ASEAN na palakasin ang koneksyon sa enerhiya sa loob ng rehiyon, pag-ibayuhin ang pagdiversify ng energy sources, at pabilisin ang paglipat sa renewable energy. Kasabay nito, nanawagan siya na palawakin ang intra-ASEAN trade at protektahan at palakasin ang regional food systems. Dagdag pa niya, dapat ding magtatag ng mas mahusay na early warning systems at pagbutihin ang mekanismo ng koordinasyong konsular upang mas mapataas ang bisa ng humanitarian assistance.

Nanawagan din si Marcos sa mga bansang kasapi ng ASEAN na gamitin nang husto ang mga umuusbong na teknolohiya tulad ng artificial intelligence o AI upang matugunan ang mga hamong ito.

Samantala, isinusulong din ng Pilipinas ang pagpapalakas ng maritime cooperation sa loob ng ASEAN, kabilang ang pag-aampon ng ASEAN Leaders’ Declaration on Maritime Cooperation at ang pagtatatag ng ASEAN Maritime Center upang iugnay ang mga inisyatiba sa kooperasyong pandagat sa rehiyon.

Ang Pilipinas ang kasalukuyang chair ng ASEAN ngayong taon, at itinakda nito ang temang “Navigating Our Future, Together” bilang gabay sa pagsusulong ng ASEAN Community Vision 2045 bilang pangmatagalang layunin.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解