Bumisita sa Taiwan ang gobernador ng Wyoming na si Mark Gordon kasama ang kanyang delegasyon, kung saan sinabi ni Lin Chia-lung noong ika-13 ng Mayo na may malaking potensyal para sa mas malalim na kooperasyon dahil magkatuwang o complementary ang lakas ng Taiwan at Wyoming sa iba’t ibang larangan.
Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Lin ang naging pagtanggap niya kay Gordon noong ika-12 ng Mayo at binigyang-diin na maaaring palawakin pa ng dalawang panig ang kooperasyon sa maraming sektor kabilang ang energy technology, talent development, industrial resilience, at sustainable development.
Ayon kay Lin, muling ipinapakita ng pagbisita ni Gordon — matapos ang una nitong pagbisita sa Taiwan noong Abril ng nakaraang taon — ang kahalagahan na ibinibigay ng mga local governments sa Amerika sa pagpapalalim ng Taiwan-U.S. relations.
Isa sa mga pangunahing development sa kasalukuyang pagbisita ay ang pagpapatuloy ng cooperation projects sa pagitan ng Wyoming at Taiwan matapos lagdaan noong nakaraang taon ang memorandum of understanding sa pagitan ng Wyoming Energy Authority at Taiwan Quantum Computer and Information Technology Association.
Sa pagkakataong ito, mas palalawakin pa ang kooperasyon ng University of Wyoming kasama ang National Central University, National Atomic Research Institute, at Industrial Technology Research Institute sa larangan ng energy technology at advanced technologies.
Ipinaliwanag ni Lin na malakas ang Wyoming sa hydrogen energy, carbon capture and storage, small modular reactors, at critical minerals, habang kilala naman ang Taiwan sa semiconductors, high-tech manufacturing, at industrial applications.
Ayon sa kanya, dahil complementary ang strengths ng dalawang panig, mas mapapalalim pa ang diskusyon at kooperasyon sa mga isyu tulad ng energy security, net-zero transition, at supply chain resilience.
Nagpasalamat din si Lin sa Wyoming State Legislature dahil apat na magkakasunod na taon na itong nagpasa ng pro-Taiwan resolutions mula noong 2023, kabilang ang suporta para sa international participation ng Taiwan at para sa isang bilateral trade agreement sa pagitan ng Taiwan at Amerika.
Sinabi naman ni Hsiao Kuang-wei na malapit ang ugnayan ng Taiwan at Amerika hindi lamang sa federal government level kundi pati sa state governments, lalo na sa larangan ng investment, tourism, kultura, at edukasyon.
Samantala, sinabi ni Gordon na maraming pagkakapareho ang Taiwan at Wyoming dahil parehong masisipag, praktikal, at may entrepreneurial spirit ang kanilang mga mamamayan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng small and medium enterprises sa dalawang panig, at naniniwala siyang hindi lamang government-to-government relations ang mabubuo kundi pati matibay na people-to-people connections.