Nagsagawa noong ika-15 ang Ministry of Justice ng “Fourth National Report International Review Conference on the Two Covenants.”
(Noong 2009, isinabatas ng Taiwan bilang domestic law ang United Nations International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) at International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR), at nangakong unti-unting aalisin ang death penalty.)
Inimbitahan sa pagpupulong ang iba’t ibang international human rights leaders, mga kinatawan ng gobyerno ng Taiwan, National Human Rights Commission, at civil society groups upang magsagawa ng masusing talakayan hinggil sa civil and political rights, gayundin sa economic, social, at cultural rights.
Gayunpaman, nagkaroon ng protesta sa labas ng venue mula sa mga pamilya ng mga biktima ng krimen. Nanawagan sila sa gobyerno na itigil ang pagsusulong ng abolition ng death penalty sa ngalan ng international conventions.
Binigyang-diin ni Premier Cho Jung-tai na “ang Taiwan ay hindi isang bansang nagtanggal ng death penalty.”
Aniya, nananatili pa rin sa Criminal Code ng Taiwan ang parusang kamatayan, at kailangang sundin ng gobyerno ang interpretasyon ng Constitutional Court habang isinasaalang-alang ang social consensus ng publiko.
Sinabi niya:
“Hindi isang bansa na nagtanggal ng death penalty ang Taiwan. Nasa ating criminal law pa rin ito, at nagkaroon pa nga tayo ng execution noong nakaraang taon. Ngunit sa ilalim ng social consensus, kailangan nating sundin ang interpretasyon ng Constitutional Court.”
Dagdag pa ni Cho Jung-tai, mula sa paglilitis hanggang sa pagpapatupad ng death penalty, kailangang dumaan ang bawat kaso sa masusing pagsusuri ng legal procedures at mental condition ng convict. Aniya, isa ito sa pinakamalaking hamon sa kasalukuyang pagpapatupad ng batas.
Samantala, sinabi naman ni Justice Minister Cheng Ming-chien na ayon sa Constitutional Judgment No. 8 ng taong 2024, kinakailangang muling repasuhin ang procedures at kondisyon ng death penalty rulings.
Ayon sa kanya, kasalukuyang nire-review ng Supreme Prosecutors Office ang mga finalized death penalty cases. Lima sa mga ito ang naghain na ng extraordinary appeals, habang ang iba pang kaso ay patuloy pang sinusuri.
Binigyang-diin niya na bukod sa pagsunod sa constitutional ruling, kailangan ding makumpleto muna ang lahat ng judicial remedy procedures bago legal na maisakatuparan ng Ministry of Justice ang anumang execution.