Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Ika-7 anibersaryo ng same-sex marriage sa Taiwan; survey nagpapakitang mahigit kalahati ng mamamayan ang sumusuporta rito, habang umabot sa pinakamataas na antas ang suporta sa gender equality educati

18/05/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
DD
Malapit nang sumapit ang ika-7 anibersaryo ng legalisasyon ng same-sex marriage; tumaas ang suporta ng publiko ayon sa civil groups

Naglabas ng pinakabagong survey ang mga civil society groups noong ika-15, na nagpapakitang umabot sa 54.3% ang suporta ng publiko sa same-sex marriage sa Taiwan, tumaas ng 12 percentage points sa loob ng 7 taon. Samantala, ang suporta sa cross-national same-sex marriage ay nasa 63%, tumaas naman ng 9 percentage points.

(Ipinagkaloob ng Taiwan Equality Campaign)
Kuha ni Central News Agency reporter Wu Hsin-yun
Mayo 15, 2026
DD Malapit nang sumapit ang ika-7 anibersaryo ng legalisasyon ng same-sex marriage; tumaas ang suporta ng publiko ayon sa civil groups Naglabas ng pinakabagong survey ang mga civil society groups noong ika-15, na nagpapakitang umabot sa 54.3% ang suporta ng publiko sa same-sex marriage sa Taiwan, tumaas ng 12 percentage points sa loob ng 7 taon. Samantala, ang suporta sa cross-national same-sex marriage ay nasa 63%, tumaas naman ng 9 percentage points. (Ipinagkaloob ng Taiwan Equality Campaign) Kuha ni Central News Agency reporter Wu Hsin-yun Mayo 15, 2026

Malapit nang sumapit ang ika-7 anibersaryo ng legalisasyon ng same-sex marriage sa Taiwan.
Ngayong ika-15, naglabas ng survey ang isang civil society organization na nagpapakitang 54.3% ng publiko ang sumusuporta sa same-sex marriage — tumaas ng 12 percentage points kumpara sa nakalipas na pitong taon.

Ipinakita rin ng survey na ang suporta ng lipunan para sa LGBTQ+ rights ay unti-unti nang lumalawak hanggang sa usapin ng parenting rights at workplace inclusivity.

Ayon sa Taiwan Equality Campaign, na matagal nang nagsusubaybay sa pananaw ng lipunan ukol sa same-sex marriage at LGBTQ+ rights sa Taiwan, ipinakita ng pinakabagong survey ang sumusunod:

  • Ang suporta sa same-sex marriage ay nasa 54.3%, tumaas ng 12 percentage points sa loob ng 7 taon.
  • Ang suporta sa cross-national same-sex marriage ay nasa 63%, tumaas ng 9 percentage points.
  • Ang suporta sa joint adoption para sa same-sex couples ay nasa 67.2%, tumaas ng 10 percentage points.

Samantala, ang suporta ng publiko sa “gender equality education” ay umabot sa 75%, ang pinakamataas sa kasaysayan ng survey. Ito rin ang may pinakamalaking pagtaas sa lahat ng sinuring usapin, na may dagdag na 21 percentage points sa loob ng pitong taon.

Tungkol naman sa isyu ng “pagkakaroon ng anak ng same-sex couples,” ipinakita ng survey na 59.7% ng respondents ang sumusuporta sa ideya ng “dalawang babae na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng assisted reproductive technology.”

Sa mga nakaraang taon, nananatili sa humigit-kumulang 60% ang suporta para rito. Sa age group na 20 hanggang 39 taong gulang, mahigit 73% ang sumusuporta sa naturang usapin.

Ang survey ay isinagawa ng Trend Survey Company sa pamamagitan ng phone interviews, kabilang ang mobile phones, noong Abril.
Kabuuang 1,077 respondents na may edad 18 pataas mula sa buong Taiwan ang lumahok.
Sa ilalim ng 95% confidence level, ang sampling error ay ±2.98 percentage points.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解