Nagsagawa noong ika-19 ang Legislative Yuan ng roll-call voting para sa impeachment case laban kay Pangulong Lai Ching-te. Ito rin ang kauna-unahang impeachment vote laban sa isang pangulo sa kasaysayan ng konstitusyon ng Republika ng Tsina (Taiwan).
Lahat ng opposition lawmakers ay bumoto pabor sa impeachment, habang ang lahat ng miyembro ng Democratic Progressive Party caucus ay bumoto laban dito.
Ang naging resulta ng botohan ay 56 boto pabor at 50 boto laban. Dahil hindi nito naabot ang kinakailangang two-thirds majority approval, hindi naipasa ang impeachment case laban sa pangulo.
Kaugnay nito, sinabi ng Presidential Office spokesperson na si Karen Kuo na si Pangulong Lai ay laging bukas at tapat, at magpapatuloy siyang pamunuan ang bansa nang matatag at maayos. Nanawagan din siya sa mga mambabatas na agad pagtuunan ang pagsusuri sa national budget ngayong taon at gumawa ng mga bagay na tunay na makabubuti sa mamamayan.
Binigyang-diin pa ni Kuo na malapit nang magdalawang taon sa panunungkulan si Pangulong Lai, at ang “Four Pillars of Peace Action Plan” na kanyang inilatag noon ay hindi lamang matatag sa prinsipyo kundi patuloy ding gumagalaw sa tamang direksyon.
Samantala, inanunsyo ng Kuomintang (KMT) at Taiwan People’s Party caucuses na papasok sila upang bumoto pabor sa impeachment case.
Ayon kay KMT caucus whip Fu Kun-chi, ito ang pinaka-direktang paraan upang maipakita ang civil rights ng mamamayan hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng pamamahala ng bansa.
Aniya:
“Ito ang report card ni Lai Ching-te sa nakalipas na dalawang taon. Malinaw naming ipapakita sa buong bansa kung ano ang naging epekto nito sa national security, economic development, iba’t ibang industriya, turismo, serbisyo, at kabuhayan ng mamamayan. Ang tanong ay: naging maayos ba ang pamumuhay ng mga tao? Nakamit ba nila ang kapayapaan at katatagan sa buhay? Ngayon ay malinaw naming ipapahayag ang aming paninindigan.”
Ngayong umaga isinagawa ng Legislative Yuan ang roll-call voting para sa impeachment case. Sa kabuuang 106 lawmakers na bumoto, 56 ang pabor sa impeachment at 50 ang laban dito.
Dahil hindi naabot ang itinakdang requirement sa Constitutional Amendments na kinakailangang may approval ng higit sa two-thirds ng lahat ng legislators, hindi naipasa ang impeachment case laban sa pangulo.