Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

COMPUTEX BUMANDERA! Pangulo: Kapayapaan Sa Taiwan Strait, Susi Sa Maaasahang AI Ecosystem

02/06/2026 13:30
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Pormal nang binuksan ngayong araw, Hunyo 2, ang 2026 Taipei International Computer Show o COMPUTEX sa Taipei Nangang Exhibition Center, bitbit ang temang “AI Together” at nakatuon sa artificial intelligence, robotics, at mga susunod na henerasyon ng teknolohiya.
Pormal nang binuksan ngayong araw, Hunyo 2, ang 2026 Taipei International Computer Show o COMPUTEX sa Taipei Nangang Exhibition Center, bitbit ang temang “AI Together” at nakatuon sa artificial intelligence, robotics, at mga susunod na henerasyon ng teknolohiya.

Pormal nang binuksan ngayong araw, Hunyo 2, ang 2026 Taipei International Computer Show o COMPUTEX sa Taipei Nangang Exhibition Center, bitbit ang temang “AI Together” at nakatuon sa artificial intelligence, robotics, at mga susunod na henerasyon ng teknolohiya.

Sa kanyang talumpati sa opening ceremony, sinabi ni Pangulong Lai Ching-te na ang COMPUTEX ngayong taon ay nilahukan ng 1,500 kumpanya mula sa 33 bansa, at sa unang pagkakataon ay lumampas sa 6,000 booth. Ayon sa pangulo, nagtipon sa Taiwan nitong mga nakaraang araw ang mga lider ng pandaigdigang industriya ng teknolohiya, at ilan sa kanila ay sunod-sunod ding nag-anunsyo ng dagdag na pamumuhunan sa bansa. Aniya, malinaw itong patunay ng mataas na tiwala ng international community sa Taiwan, hindi lamang dahil sa lakas nito sa teknolohiya kundi dahil din sa demokratikong sistema nito. Dagdag pa niya, nagbunga na rin ang mga hakbang ng gobyerno sa pagpapabuti ng investment environment at paghikayat sa mga global enterprise na magtayo at magpalawak ng operasyon sa Taiwan.

Binigyang-diin ni Pangulong Lai na ang kasaganaan ng industriya ay kailangang nakatayo sa pundasyon ng kapayapaan. Tiniyak niya na maninindigan ang gobyerno sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait, gayundin sa pagpapanatili ng status quo. Ayon sa kanya, hindi lamang ito pambansang polisiya kundi ang pinakaresponsableng pangako ng Taiwan sa pandaigdigang technology supply chain.

“Habang mas kailangan ng mundo ang AI, mas kailangan nito ang isang matatag, mapagkakatiwalaan, at responsableng Taiwan. Lalo na dahil ang masiglang pag-unlad ng industriya ay kailangang nakabatay sa kapayapaan. Matatag na pangangalagaan ng gobyerno ang kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait at magsisikap na panatilihin ang status quo. Ito ang hindi nagbabagong pambansang polisiya natin at ang pinakaresponsableng pangako ng Taiwan sa global technology supply chain,” ani Lai.

Binanggit din ni Lai na sa harap ng mabilis na paglaki ng pangangailangan sa computing power, advanced semiconductor processes, at AI infrastructure, patuloy na magbibigay ng suporta ang gobyerno sa iba’t ibang industriya. Sa usapin ng talento, pinaluwag pa ng gobyerno ang mga kondisyon sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Act for the Recruitment and Employment of Foreign Professionals upang hikayatin ang mas maraming international talent na magtrabaho at mag-develop ng kanilang karera sa Taiwan.

Pagdating naman sa water resources, sinabi ng pangulo na isinusulong ng gobyerno ang “Pearl String Project,” na nag-uugnay sa iba’t ibang pasilidad ng suplay ng tubig sa buong bansa upang palakasin ang kakayahan sa cross-regional water allocation. Patuloy din aniyang palalawakin ng Taiwan ang paggamit ng reclaimed water, desalinated seawater, at iba pang alternatibong pinagkukunan ng tubig upang mapatatag ang water resilience ng bansa.

Sa usapin ng kuryente, sinabi ni Lai na nasa humigit-kumulang 21 porsyento ang kasalukuyang operating reserve margin ng Taiwan Power Company, habang inaasahang mananatili sa higit 20 porsyento ang suplay ng kuryente sa susunod na linggo. Tiniyak niya na walang magiging problema sa stable power supply hanggang 2032, habang patuloy ding isinusulong ng gobyerno ang ikalawang energy transition upang masuportahan ang lumalaking pangangailangan ng technology industry. Dagdag pa niya, sa nakalipas na 10 taon, nadagdagan ng mahigit 1,305 ektarya ang kabuuang lawak ng mga science park sa Taiwan, at kasalukuyan ding pinag-aaralan ang mga lupang kakailanganin para sa pagtatayo ng mga bagong pasilidad sa manufacturing process.

Ayon kay Lai, makikita rin sa mga resulta ng ekonomiya ang tiwala ng mundo sa Taiwan. Noong Mayo 29, itinaas ng Directorate-General of Budget, Accounting and Statistics ang first-quarter economic growth rate ng Taiwan ngayong taon sa 14.55 porsyento, ang pinakamataas na single-quarter growth sa loob ng 48 taon. Itinaas din ang full-year economic growth forecast mula 7.71 porsyento tungong 9.64 porsyento. Samantala, umabot na sa 4.95 trilyong US dollars ang kabuuang market value ng Taiwan stock market, dahilan upang maging ikalimang pinakamalaking stock market ito sa buong mundo.

Binigyang-diin pa ng pangulo na ang AI, para sa Taiwan, ay hindi lamang usapin ng teknolohiya. Sa panlabas na relasyon, simbolo ito ng pakikipagtulungan ng Taiwan sa mga mapagkakatiwalaang global partners upang bumuo ng mas ligtas, mas matatag, at mas masaganang teknolohikal na kinabukasan. Sa loob naman ng bansa, layunin nitong matiyak na ang mga benepisyo ng pag-unlad sa teknolohiya ay mararamdaman ng mga industriya, pamilya, at susunod na henerasyon.

Sinabi ni Lai na patuloy na isusulong ng Taiwan ang development na pinapagana ng innovation at resilience na pinalalakas ng cooperation. Aniya, makikipagkaisa ang Taiwan sa industriya, akademya, at international partners upang sabay-sabay harapin ang hamon at oportunidad ng AI era, habang tinatahak ang landas tungo sa isang demokratikong modelo kung saan magkasabay na umuunlad ang technology prosperity at social care.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解