Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Ministry of Labor Magbibigay ng Buong Salary Subsidy sa Maternity Leave para sa mga Nakunan Bago Umabot sa Tatlong Buwan ang Pagbubuntis

05/06/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 呂曉倩
Photop from Suhyeon Choi/Unsplash.
Photop from Suhyeon Choi/Unsplash.

Inanunsyo ng gobyerno ng Taiwan kamakailan ang 18 bagong hakbang sa ilalim ng “Taiwan Population Strategy – Family Support Program,” kabilang ang pagpapalawig ng maternity leave mula walong linggo tungo sa labindalawang linggo.

Ayon sa Ministry of Labor, bukod sa pinalawig na maternity leave, sasagutin din ng gobyerno sa hinaharap ang buong sahod ng mga empleyadang nakunan bago umabot sa tatlong buwan ang kanilang pagbubuntis.

Sa kasalukuyang batas, ang mga babaeng manggagawa na nanganak o nakunan matapos ang tatlong buwan ng pagbubuntis ay may karapatan sa maternity leave na may bayad.

Para sa mga nanganak, walong linggong maternity leave ang ipinagkakaloob, habang apat na linggo naman para sa mga nakunan matapos ang tatlong buwan ng pagbubuntis. Sa parehong sitwasyon, obligadong bayaran ng employer ang sahod ng empleyado habang nasa leave.

Gayunpaman, para sa mga babaeng nakunan bago umabot sa tatlong buwan ang pagbubuntis, may karapatan silang mag-leave at hindi maaaring tanggihan ng employer. Hindi rin ito maaaring ituring na pagliban o maging dahilan ng pagbabawas ng attendance bonus, pagbaba ng performance evaluation, o iba pang hindi makatarungang pagtrato.

Subalit sa ilalim ng kasalukuyang sistema, hindi obligadong magbigay ng bayad ang employer para sa naturang leave.

Ipinaliwanag ni Huang Chi-ya na sa ilalim ng bagong population strategy, hindi lamang sasagutin ng gobyerno ang karagdagang gastos sa pagpapalawig ng maternity leave, kundi pati na rin ang sahod ng mga babaeng nakunan bago umabot sa tatlong buwan ang pagbubuntis.

Ayon kay Huang, layunin ng mga susunod na pagbabago sa batas na pagtugmain ang mga probisyon ng Labor Standards Act at Gender Equality in Employment Act upang maging pare-pareho ang mga benepisyo para sa lahat ng uri ng maternity leave.

Sa bagong sistema, lahat ng maternity leave ay magiging may bayad, at ang gastos para sa mga leave na kaugnay ng miscarriage bago ang tatlong buwan ng pagbubuntis ay sasagutin ng gobyerno.

Kapag naisabatas ang mga pagbabago, ang mga babaeng nakunan sa pagitan ng ikalawang buwan at bago umabot sa ikatlong buwan ng pagbubuntis ay magkakaroon ng isang linggong paid maternity leave.

Samantala, ang mga nakunan bago umabot sa dalawang buwan ng pagbubuntis ay magkakaroon naman ng limang araw na paid maternity leave.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解