Bibisita sa Taiwan mula ngayong araw, ika-16, hanggang ika-20 sina U.S. Rep. Lucy McBath, vice chair ng Congressional Black Caucus, at U.S. Rep. Valerie Foushee. Tinanggap ni Foreign Minister Lin Chia-lung ang patuloy na pagpapalalim ng ugnayan ng mga kaibigan mula sa U.S. Congress sa Taiwan, at sinabing ang June 19 ay Juneteenth, isang araw na sumisimbolo sa pagsisikap ng United States para sa equality at human rights. Aniya, ang pagbisita ng delegasyon sa panahong ito ay lalo pang nagpapakita na ang freedom at human rights ay mahahalagang shared values ng Taiwan at United States.
Ito ang unang pagbisita nina McBath at Foushee sa Taiwan habang nasa kanilang kasalukuyang termino. Ayon sa Ministry of Foreign Affairs, habang nasa Taiwan ang delegasyon, makikipagkita sila kay President Lai Ching-te at Vice President Hsiao Bi-khim. Maghahanda rin si Foreign Minister Lin Chia-lung ng salu-salo para sa kanila, kung saan magpapalitan ng pananaw ang dalawang panig tungkol sa Taiwan-U.S. security, economic and trade relations, regional situation at iba pang mahahalagang isyu.
Sinabi ng Foreign Ministry na ang Taiwan at United States ay mahahalagang security at economic partners na may mutual benefits. Patuloy anilang pinapalalim ng dalawang panig ang kooperasyon sa security, technology at supply chain resilience. Sa kasalukuyang matibay na pundasyon, patuloy na isusulong ng Taiwan ang partnership nito sa United States sa iba’t ibang larangan, habang nakatuon sa pagpapalakas ng self-defense capability at whole-of-society resilience upang ipagtanggol ang pinaghirapang demokrasya.
Dagdag ng ministry, patuloy na makikipagtulungan ang Taiwan sa United States at iba pang like-minded countries upang isulong ang kapakanan ng mamamayan at mapanatili ang peace, stability at prosperity sa Taiwan Strait at Indo-Pacific region.
“Sa hinaharap, pananatilihin ng Taiwan at United States ang malapit na ugnayan at kooperasyon, at patuloy na palalakasin at palalalimin ang Taiwan-U.S. relations batay sa kasalukuyang pundasyon,” sabi ni Chen Yi-chun, deputy executive director ng Department of Public Diplomacy ng Foreign Ministry.
Ayon sa Foreign Ministry, itinatag ang Congressional Black Caucus noong 1971 at matagal na nitong tinututukan ang civil and voting rights, economic development, social welfare at judicial reform para sa African American communities. Dagdag pa ng ministry, parehong binibigyang-pansin nina McBath at Foushee ang AI, semiconductors, high-tech talent development at human rights, na kabilang sa mahahalagang isyung patuloy na pinag-uusapan at pinapalalim sa Taiwan-U.S. cooperation.