Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Akio Yaita Sinuntok sa Taichung! Palasyo Mariing Kinondena ang Insidente

07/07/2026 14:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Matapos atakihin si Akio Yaita, plano sanang sumakay ng eroplano at umalis ng Taiwan ang suspek, pero naaresto siya sa Taichung Airport at isinailalim sa imbestigasyon.

Noong ika-6, sinuntok sa mukha sa Taichung si Akio Yaita, Executive Director ng Indo-Pacific Strategic Think Tank. Bandang alas-4 ng hapon, na-intercept at inaresto ng pulisya sa Taichung International Airport ang lalaking suspek na apelyidong Liao, habang papasakay na sana ito ng eroplano para umalis ng bansa. Dinala siya sa Taichung City Police Department Sixth Precinct para sa imbestigasyon. Sa larawan, makikita ang suspek na nakaputing damit. Photo provided by the public, Central News Agency.
Matapos atakihin si Akio Yaita, plano sanang sumakay ng eroplano at umalis ng Taiwan ang suspek, pero naaresto siya sa Taichung Airport at isinailalim sa imbestigasyon. Noong ika-6, sinuntok sa mukha sa Taichung si Akio Yaita, Executive Director ng Indo-Pacific Strategic Think Tank. Bandang alas-4 ng hapon, na-intercept at inaresto ng pulisya sa Taichung International Airport ang lalaking suspek na apelyidong Liao, habang papasakay na sana ito ng eroplano para umalis ng bansa. Dinala siya sa Taichung City Police Department Sixth Precinct para sa imbestigasyon. Sa larawan, makikita ang suspek na nakaputing damit. Photo provided by the public, Central News Agency.

Matapos salakayin at suntukin kahapon, ika-6, sa Taichung si Akio Yaita, CEO ng Indo-Pacific Strategic Think Tank, ng isang lalaking Chinese national, umani ito ng matinding atensyon mula sa iba’t ibang sektor. Sinabi ngayong araw, ika-7, ni Vice President Hsiao Bi-khim na pinahahalagahan ng Taiwan ang kalayaan sa pananalita at hindi kailanman papayagan ang karahasan. Mariin ding kinondena ng Presidential Office ang insidente at sinabing patuloy itong makikipagtulungan sa mga demokratikong kaalyado upang labanan ang mga ganitong uri ng “cross-border repression.”

Idinaos ng Taiwan Democracy Lab ngayong ika-7 ang “2026 China Influence Network Annual Meeting.” Matapos dumalo sa opening ceremony, sinabi ni Vice President Hsiao Bi-khim sa panayam na lubos na pinahahalagahan ng Taiwan ang freedom of speech at hindi nito kailanman papayagan ang karahasan. Aniya, ang insidenteng ito ay isang babala, kaya dapat patuloy na magsikap ang Taiwan na ipagtanggol ang kalayaan sa pananalita.

Sinabi rin ni Presidential Office Spokesperson Kuo Ya-hui sa panayam na ito ang unang kaso ng marahas na pananakot na may kaugnayan sa “cross-border repression” na nangyari sa Taiwan matapos ipatupad ng China ang National Unity and Progress Promotion Law. Mariin itong kinondena ng Presidential Office. Ipinapakita rin ng insidenteng ito kung paano ginagamit ng China sa iba’t ibang panig ng mundo ang paniniktik, harassment, at marahas na pananakot upang patahimikin ang iba’t ibang boses at supilin ang freedom of speech. Dahil dito, mas malinaw na nakikita ng international community ang tunay na katangian ng Chinese regime.

Samantala, nagpasalamat si Akio Yaita sa social media sa lahat ng nagpaabot ng malasakit. Ipinaliwanag niya na mukhang may sapat na paghahanda ang suspek, kaya dapat imbestigahan at linawin kung may kaugnayan ba ito sa pagpapatupad ng nasabing batas ng China. Binigyang-diin din niya na hindi siya aatras dahil sa insidente at patuloy siyang magsasalita para sa demokrasya at kalayaan ng Taiwan.

Inimbitahan si Akio Yaita bilang lecturer sa isang camp na idinaos ng Chun Yu Culture and Education Foundation sa Taichung City. Noong tanghali ng ika-6, matapos ang programa at habang palabas na siya ng hotel, sinundan siya ng isang tao at sinuntok sa mukha. Matapos siyang dalhin ng staff sa ospital, agad siyang nag-report sa pulisya.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan, hindi babalewalain ng gobyerno ang ganitong uri ng karahasan. Hindi rin nito papayagan na mabantaan ang freedom of speech at ang seguridad ng isang demokratikong lipunang may rule of law. Makikipag-ugnayan ang pamahalaan sa iba’t ibang panig upang matiyak ang kaligtasan ng mga Taiwanese abroad at ng mga foreign nationals na nasa Taiwan.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解