Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Umabot sa 401 ang mga Apektadong Oil Products; Lahat Naalis sa mga Estante Bago Maghatinggabi

09/07/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 呂曉倩
Photo from Rti.
Photo from Rti.

Ang food safety issue sa Taiwan na may kinalaman sa sobrang antas ng benzo[a]pyrene (BaP) sa ilang cooking oil products ay lalo pang lumawak matapos i-update ng Taiwan Food and Drug Administration ang listahan ng mga apektadong produkto mula 232 patungong 401 noong July 8.

Kabilang sa mga naapektuhang brand at negosyo ang Lao Xie Zhen, CP Taiwan, Louisa Coffee, at LE BLE D'OR.

Noong July 7, unang inilabas ng Taiwan FDA ang listahan ng 232 produktong ginawa ng 360 downstream manufacturers. Sa mga ito, 57 produkto ang gumagamit ng problemadong cooking oil na may higit sa 20% na sangkap at agad na isinailalim sa preventive recall.

Ang natitirang 175 produkto ay kusang inihayag ng mga manufacturer at gumagamit ng mas mababa sa 20% ng naturang cooking oil.

Gayunman, inanunsyo ni Shih Chung-liang ang mas mahigpit na pamantayan, kung saan lahat ng produktong gumamit ng problemadong cooking oil, anuman ang dami nito, ay kailangang agad na alisin sa mga estante bilang pag-iingat.

Inatasan din ang mga lokal na health bureaus na tiyaking makukumpleto ang preventive removal ng lahat ng apektadong produkto bago maghatinggabi ng July 8.

Sa pinakahuling update ng Taiwan FDA, nadagdagan ng 169 ang listahan, kaya umabot na ito sa 401 produkto.

Kasama sa listahan ang pangalan ng manufacturer, produkto, at expiration date. Marami sa mga impormasyong ito ay nauna nang inilabas ng mga lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga naapektuhang produkto ang mahigit 80 ready-to-eat food items ng 7-Eleven Taiwan na ginawa ng Lian Hwa Foods, kabilang ang rice balls, hand rolls, sandwiches, burgers, at boxed meals.

Ayon sa mga awtoridad, lahat ng mga naturang produkto ay lampas na sa expiration date, na nangangahulugang naibenta o naalis na ang mga ito sa merkado at wala nang kasalukuyang ibinebentang produkto na kabilang sa apektadong batch.

Naapektuhan din ang anim na menu items ng LE BLE D'OR, kabilang ang seafood hot pot, clam chowder, at Spanish seafood paella.

Samantala, 33 produkto ng Louisa Coffee, gaya ng tomato sauce, mustard sauce, roasted chicken leg, at iba't ibang cakes at desserts, ay kabilang din sa recall list.

Kasama rin ang 45 frozen meal products ng CP Taiwan, kabilang ang iba't ibang pasta dishes, fried rice, at pork meals.

Naapektuhan din ang walong instant noodle products ng Ve Wong Corporation, kabilang ang beef noodle soup at vegetarian chicken-flavored noodles.

Dalawang rice burger products ng Lao Xie Zhen ang kabilang din sa listahan.

Bukod sa mga produktong ibinebenta sa publiko, kinumpirma rin ng mga awtoridad na ang ilang ready-to-eat meals na ginagamit sa military camps ng Ministry of National Defense at sa employee cafeteria ng Silks Palace at the National Palace Museum ay gumamit din ng problemadong cooking oil, at ang ilan sa mga ito ay naihain at nakonsumo na bago natukoy ang isyu.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解