Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwan Forum Tinalakay Ang Maritime Pressure At Gray Zone Actions Ng China

09/07/2026 09:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Idinaraos ng Ocean Affairs Council sa Taipei ang “2026 Taiwan International Ocean Forum.” Pinagsasama-sama sa forum ang mga local at international experts at scholars para talakayin ang iba’t ibang isyu, kabilang ang mga strategy para palakasin ang maritime security, actions para kontrahin ang gray zone activities, at emerging technologies para sa ocean governance. Photo: Screenshot mula sa livestream ng 2026 Taiwan International Ocean Forum
Idinaraos ng Ocean Affairs Council sa Taipei ang “2026 Taiwan International Ocean Forum.” Pinagsasama-sama sa forum ang mga local at international experts at scholars para talakayin ang iba’t ibang isyu, kabilang ang mga strategy para palakasin ang maritime security, actions para kontrahin ang gray zone activities, at emerging technologies para sa ocean governance. Photo: Screenshot mula sa livestream ng 2026 Taiwan International Ocean Forum

Binuksan kahapon ika-8 sa Taipei ang 2026 Taiwan International Ocean Forum o TIOF. Sa forum, nagbabala si Ocean Affairs Council Minister Kuan Bi-ling na gumagamit ang China ng pangmatagalang, paunti-unting naipong “gray zone actions” na nasa ibaba ng hangganan ng digmaan upang gipitin ang First Island Chain. Dahil dito, nagiging mahirap para sa internasyonal na komunidad na tukuyin kung kailan maituturing na “pagbabago sa status quo” ang isang sitwasyon. Ayon sa kanya, kailangang bumuo ang demokratikong kampo ng magkakaparehong mekanismo para sa pagkilala, koordinasyon, at maagang babala upang sama-samang magtayo ng demokratikong depensa.

Idinaos ang 2026 Taiwan International Ocean Forum sa Grand Hyatt Taipei noong ika-8. Ayon sa organizer na Ocean Affairs Council, ang tema ng pulong ngayong taon ay “ocean resilience.” Nakatuon ang talakayan sa apat na pangunahing paksa: Indo-Pacific security, pagpapatupad ng batas ng Coast Guard, ocean sustainability, at forward-looking technology. Inanyayahan din ang mga eksperto mula sa 16 na bansa, kabilang ang Estados Unidos, Japan, United Kingdom, at France, upang komprehensibong suriin ang maling maritime narratives ng China at sama-samang palakasin ang demokratikong depensa.

Sinabi ni Kuan Bi-ling na mula Japan, Taiwan, hanggang Pilipinas, ang mga bansa sa First Island Chain ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng lumalakas at mas madalas na maritime pressure mula sa China sa iba’t ibang karagatan. Bagama’t magkakaiba ang pinagmumulan ng mga insidente, pare-pareho ang pattern ng mga ito: paunti-unting iniipon, pangmatagalang panggigipit, at sinasadyang panatilihin sa ibaba ng tradisyunal na threshold ng digmaan.

Ipinaliwanag ni Kuan Bi-ling na matagal nang binibigyang-diin ng internasyonal na komunidad ang pagtutol sa anumang panig na magbabago sa status quo. Ngunit kung hindi ito ginagawa sa pamamagitan ng isang beses na military action, kundi sa araw-araw na paunti-unting pag-usad, paano matutukoy kung kailan nagbago na ang status quo? Binigyang-diin niya na ito mismo ang pinakamalaking banta ng gray zone actions ng China.

Ayon kay Kuan Bi-ling, sa paulit-ulit na paghusga na ang bawat pangyayari ay “hindi pa krisis,” unti-unting nasasanay ang mga tao sa mga bagay na hindi dapat ituring na normal. Sa huli, maaaring bigla na lamang nating matuklasan na wala namang isang araw na nagkaroon ng tiyak at mapagpasyang digmaan, ngunit ang dating status quo ay wala na. Sinabi niya na ito ang pinaka-realistic na konteksto ng talakayan ngayon tungkol sa ocean resilience.

Dumalo rin sa forum si National Security Council Deputy Secretary-General Lee Wen. Sinabi niya na nasa frontline ng First Island Chain ang Taiwan, habang ang Taiwan Strait naman ay isa sa mahahalagang pundasyon ng internasyonal na kalakalan. Patuloy aniya ang Taiwan na makikipagtulungan nang malapit sa mga global partners, magsusulong ng kinakailangang diyalogo, at mag-aambag upang matiyak ang isang malaya, bukas, at sustainable na marine environment.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解