Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Food Safety Alarm Sa Taiwan: 401 Produkto Nadawit Sa Kontaminadong Oil

09/07/2026 09:10
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Dahil lumampas sa limit ang carcinogenic substance na benzo[a]pyrene sa oil products ng Chung Lien, nagdaos ng press conference noong hapon ng July 7 si Food and Drug Administration Director-General Chiang Chih-kang. Inilabas niya ang details ng 232 affected products mula sa 360 businesses. Dumalo rin sina Food Division Director Hsu Chao-kai at Northern Center for Regional Administration Director Liu Fang-ming. Source: Central News Agency
Dahil lumampas sa limit ang carcinogenic substance na benzo[a]pyrene sa oil products ng Chung Lien, nagdaos ng press conference noong hapon ng July 7 si Food and Drug Administration Director-General Chiang Chih-kang. Inilabas niya ang details ng 232 affected products mula sa 360 businesses. Dumalo rin sina Food Division Director Hsu Chao-kai at Northern Center for Regional Administration Director Liu Fang-ming. Source: Central News Agency

Nagbunsod ng food safety concern sa bansa ang mga produktong langis na lumampas sa limitasyon ng benzo[a]pyrene o BaP. Kagabi, inilabas ng Food and Drug Administration ang listahan ng 232 problemadong produkto, at ngayong hapon, ika-8, in-update ang bilang at umabot na ito sa 401 produkto. Kabilang sa mga apektadong kompanya at tindahan ang ilang kilalang brand tulad ng Lao Xie Zhen, Charoen Pokphand, Louisa Coffee, at Le Blé d’Or.

Noong gabi ng ika-7, inilabas ng Food and Drug Administration ang listahan ng 232 produktong ginawa ng 360 downstream businesses. Sa mga ito, 57 produkto ang ginawang original oil product o produktong may higit 20% na problemadong langis, at lahat ay naibaba na sa merkado bilang preventive measure. Mayroon ding 175 produkto na boluntaryong idineklara ng mga negosyo, kung saan mas mababa sa 20% ang ginamit na problemadong langis. Inanunsyo rin ni Health and Welfare Minister Shih Chung-liang ang pag-update ng pamantayan sa pagbaba ng produkto. Anuman ang dami ng ginamit na problemadong langis, lahat ng produktong gumamit nito ay kailangang pansamantalang ibaba muna bilang pag-iingat. Inatasan din ang mga local health bureaus na pangasiwaan ang mga negosyo upang matapos ang pagbaba ng mga produkto bago mag-alas-12 ng hatinggabi ng ika-8.

Ngayong hapon, in-update ng Food and Drug Administration ang preventive removal list sa “Chung Lien Oil Case Section” sa opisyal nitong website. Nadagdagan ito ng 169 produkto, kaya umabot na sa kabuuang 401 produkto ang listahan. Saklaw ng mga bagong produkto ang mga gumamit ng higit 20% at mas mababa sa 20% na problemadong langis. Kasama sa listahan ang pangalan ng negosyo, pangalan ng produkto, at expiration date. Ayon sa ulat, halos lahat ng mga ito ay naunang inilabas na rin ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Shih Chung-liang na rerepasuhin ng Ministry of Health and Welfare ang three-level food quality control mechanism. Bukod sa pagdagdag ng frequency ng self-inspection ng mga negosyo, magtatayo rin ito ng mekanismo para sabay na maikonekta ang external testing results. Kapag may nakitang abnormalidad ang third-party testing institution, agad na maaabisuhan ng sistema ang competent authority upang makakilos kaagad.

Tungkol naman sa sanhi ng insidente, sinabi ni Shih Chung-liang na kasalukuyang isa-isang sinusuri ang retained samples ng langis na ginawa ng Chung Lien mula Abril hanggang katapusan ng Hunyo. Mayroong mahigit 20 batch samples na sinusuri, at inaasahang maaaring lumabas ang resulta ng pagsusuri sa ika-9 sa pinakamabilis na panahon. Pagkatapos nito, masusuri pa kung ang problema ay nagmula sa raw materials o sa production process. Inaasahang sa susunod na linggo sa pinakamabilis ay mas malilinaw ang detalye ng kaso. Maglalabas din ng mga hakbang upang maiwasang maulit ang ganitong insidente.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解