Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwan At Eswatini, Palalawakin Ang Laban Kontra Korapsyon At Cybercrime

10/07/2026 13:40
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung, kanan, met with Eswatini Minister of Justice and Constitutional Affairs Prince Simelane Dlamini, kaliwa, noong Hulyo 9. Photo courtesy of Taiwan Ministry of Foreign Affairs. (Photo: CNA)
Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung, kanan, met with Eswatini Minister of Justice and Constitutional Affairs Prince Simelane Dlamini, kaliwa, noong Hulyo 9. Photo courtesy of Taiwan Ministry of Foreign Affairs. (Photo: CNA)

Nakipagpulong si Taiwan Foreign Minister Lin Chia-lung noong Hulyo 9 kay Eswatini Minister of Justice and Constitutional Affairs Prince Simelane Dlamini at sa kanyang delegasyon upang talakayin ang mas malalim na kooperasyon sa hustisya, paglaban sa korapsyon, at cybercrime.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan ngayong araw ika-10, kasalukuyang isinusulong ng dalawang bansa ang paglagda sa isang kasunduan para sa mutual legal assistance. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapalawak ng kanilang pagtutulungan sa mga kasong may kaugnayan sa korapsyon at krimeng online.

Sinabi rin ni Lin na inaabangan ng Taiwan ang muling pagbisita ni Eswatini King Mswati III sa huling bahagi ng taon. Aniya, patuloy na nagtutulungan ang dalawang bansa sa mahahalagang proyekto tulad ng Taiwan Industrial Innovation Park at strategic oil storage facilities upang makahikayat ng investments at mapalakas ang energy security ng Eswatini.

Pinasalamatan naman ni Prince Simelane ang Taiwan sa maayos na pagtanggap at sa patuloy na suporta nito sa kanilang bansa. Bukod sa pakikipagpulong sa Ministry of Justice, binisita rin ng delegasyon ang Agency Against Corruption, isang bilangguan, at ang Taoyuan refinery ng CPC Corporation.

Binigyang-diin ni Prince Simelane na matibay ang relasyon ng Taiwan at Eswatini. Sinabi rin niyang itinuturing niyang pangalawang tahanan ang Taiwan at nananatiling matatag ang suporta ng Eswatini sa pagsali ng Taiwan sa mga pandaigdigang organisasyon.

Ngayong ika-58 taon ng kanilang diplomatikong relasyon, tiniyak ng Taiwan na patuloy nitong palalawakin ang kooperasyon sa Eswatini sa larangan ng industriya, enerhiya, agrikultura, kalusugan, edukasyon, at pambansang kaunlaran.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解