Sa programang Good Morning Notebook, ininterview ng Radio Taiwan International News Department host na si Han Chi-hsien si Chiu Wan-ning, estudyante ng Department of Senior Welfare and Health Promotion ng St. John’s University of Science and Technology. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pagbibigay ng care services sa Taiwan, internship sa elderly care sa Japan, at pagiging international volunteer.
Mula sa Pingtung sa southern Taiwan, lumuwas si Chiu Wan-ning patungong hilaga upang mag-aral. Bilang estudyante ng Department of Senior Welfare and Health Promotion ng St. John’s University of Science and Technology, unti-unti niyang tinatahak ang landas patungo sa care service work.
Bukod sa pagkuha ng mga propesyonal na sertipikasyon tulad ng caregiver certificate, pinalawak din niya ang kanyang pag-aaral at serbisyo sa ibang bansa. Nakapunta siya sa Hokkaido, Japan para sa observation at internship, kung saan mas nakilala niya ang iba’t ibang modelo ng elderly care. Nagtungo rin siya sa Cebu, Philippines bilang international volunteer, kung saan sinamahan niya ang mga bata sa isang children and youth social welfare institution at ipinakita sa gawa ang pagmamahal at malasakit. Ngayong taon, nakatanggap din siya ng scholarship mula sa isang kumpanya at training support para sa long-term care employment. Sa hinaharap, may pagkakataon din siyang pumunta sa Japan para sa professional training.
Sa pamamagitan ng kanyang sigasig at propesyonal na paghahanda, patuloy na pinapalakas ni Chiu Wan-ning ang kanyang kakayahan. Hindi lamang nito pinalawak ang kanyang pananaw, kundi naglatag din ito ng pundasyon para sa kanyang hinaharap na trabaho sa care services. Inaasahan niyang makapaghatid ng pag-asa at lakas sa mas maraming taong nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng init, pag-aalaga, at pakikiisa.