Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Patuloy na Umaabot sa Pandaigdigang Merkado ang Gawang-Taiwan na EV-A71 Vaccine; Ipinagpapatuloy ng NHRI ang Pagbuo ng Bivalent at Multivalent Vaccines

20/07/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 沙愛麗
MD
Tagumpay ng Gawang-Taiwan na EV-A71 Vaccine (2)
Sa press conference na may temang "Halos 25 Taon ng Pambansang Sama-samang Pananaliksik: Matagumpay na Nakarating sa Pandaigdigang Merkado ang Gawang-Taiwan na Enterovirus A71 Vaccine," na ginanap noong ika-17 sa booth ng National Health Research Institutes (NHRI) sa BIO Asia–Taiwan 2026, ipinaliwanag ni Dr. Liu Shih-jen, Deputy Director ng Institute of Infectious Disease and Vaccinology ng NHRI, sa media ang mga naging resulta ng kanilang pananaliksik.
(Kuha ng Central News Agency photographer Chang Hsin-wei, Hulyo 17, 2026)
MD Tagumpay ng Gawang-Taiwan na EV-A71 Vaccine (2) Sa press conference na may temang "Halos 25 Taon ng Pambansang Sama-samang Pananaliksik: Matagumpay na Nakarating sa Pandaigdigang Merkado ang Gawang-Taiwan na Enterovirus A71 Vaccine," na ginanap noong ika-17 sa booth ng National Health Research Institutes (NHRI) sa BIO Asia–Taiwan 2026, ipinaliwanag ni Dr. Liu Shih-jen, Deputy Director ng Institute of Infectious Disease and Vaccinology ng NHRI, sa media ang mga naging resulta ng kanilang pananaliksik. (Kuha ng Central News Agency photographer Chang Hsin-wei, Hulyo 17, 2026)

Ang Enterovirus A71 (EV-A71) vaccine na sariling dinebelop ng Taiwan ay matagumpay na nakakuha ngayong taon ng marketing authorization sa Vietnam at Macau, isang mahalagang hakbang patungo sa pandaigdigang merkado.

Samantala, patuloy namang isinusulong ng National Health Research Institutes (NHRI) ang pagbuo ng bivalent at multivalent vaccines, pati na rin ang mga bagong teknolohiya sa paggawa ng bakuna upang makapagbigay ng mas malawak na proteksiyon.

Noong ika-17, ipinakilala ng NHRI sa 2026 BIO Asia–Taiwan Exhibition ang mga naging bunga at hinaharap ng sariling pananaliksik ng Taiwan sa EV-A71 vaccine.

Sinabi ni NHRI President Stuart Hsieh (司徒惠康) na nagsimula ang pagbuo ng bakunang ito matapos ang unang malaking outbreak ng enterovirus sa Taiwan noong 1998.

Noong panahong iyon, pinangunahan ni Academia Sinica Academician Ho Mow-der (何曼德) ang research team na nakatukoy na ang pangunahing sanhi ng outbreak ay ang Enterovirus 71.

Mula noon, tumagal ng humigit-kumulang 25 taon ang pananaliksik at pagbuo ng bakuna.

Mula 2010 hanggang 2013, inilipat ng NHRI sa pamamagitan ng non-exclusive licensing ang vaccine technology at mga resulta ng Phase I clinical trial sa Medigen Vaccine Biologics Corporation at Adimmune Corporation.

Noong 2023, parehong nakakuha ng marketing authorization sa Taiwan ang dalawang kumpanya at nagsimula nang magbigay ng bakuna para sa lokal na paggamit.

Sa kasalukuyan, isa na ito sa mahahalagang hakbang sa pagprotekta sa mga batang Taiwanese laban sa enterovirus.

Sinabi ni Lee Szu-hsien, General Manager ng Medigen Vaccine Biologics, na ang tagumpay ng EV-A71 vaccine ay nakasalalay sa matatag na pundasyon ng pananaliksik na isinagawa ng NHRI.

Aniya, pinatutunayan nito na napakalaki ng potensiyal ng biotechnology industry ng Taiwan.

Dagdag pa niya, hangga't patuloy ang kooperasyon ng industriya, pamahalaan, at akademya, naniniwala siyang magiging matagumpay rin ang biotechnology industry tulad ng naging tagumpay ng electronics industry ng Taiwan.

Samantala, sinabi ni Chang Che-wei, Executive Vice President ng Adimmune Corporation, na napakalaki ng vaccine market sa Southeast Asia.

Aniya, bagama't iisa ang pinagmulan ng Medigen at Adimmune sa pagbuo ng EV-A71 vaccine, pagdating sa pandaigdigang merkado ay "parang magkapatid na umaakyat sa iisang bundok ngunit magkakaibang landas ang tinatahak."

Layunin ng dalawang kumpanya na sama-samang dalhin at ipalaganap ang teknolohiyang medikal ng Taiwan sa buong mundo.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解