Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwan At Poland, Magtutulungan Para Sa Mas Matatag Na Demokratikong Supply Chain

21/07/2026 14:00
Editor ng Pagsulat: 汪馬雪莉
Tinanggap ni Taiwan President Lai Ching-te, kanan, sa Presidential Office ngayong araw Hulyo 21 ang delegation ng Polish conservative members ng European Parliament. Photo courtesy of Central News Agency.
Tinanggap ni Taiwan President Lai Ching-te, kanan, sa Presidential Office ngayong araw Hulyo 21 ang delegation ng Polish conservative members ng European Parliament. Photo courtesy of Central News Agency.

Tinanggap ni Taiwan President Lai Ching-te nitong Hulyo 21 sa Presidential Office ang delegasyon ng mga Polish member ng European Parliament mula sa European Conservatives and Reformists Group. Pinamunuan ang delegasyon ni Beata Szydło, dating prime minister ng Poland at miyembro ng European Parliament Special Committee on the European Democracy Shield. Nasa Taiwan ang grupo mula Hulyo 20 hanggang 24.

Sinabi ni Lai na mahalaga ang pagbisita dahil ito ang ikatlong European Parliament delegation na dumating sa Taiwan ngayong taon. Ito rin ang unang pagkakataon sa nakalipas na dalawang termino na ang isang delegation ay binuo ng mga mambabatas mula sa iisang political group at iisang bansa.

Pinasalamatan din ni Lai ang European Parliament sa matagal na nitong suporta sa Taiwan. Ayon sa kanya, nagpasa ito ngayong taon ng ilang resolusyon at ulat na pabor sa Taiwan, sinuportahan ang mas malalim na kooperasyon ng Taiwan at European Union sa drone technology, at muling binigyang-diin ang kahalagahan ng kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait.

Binanggit din ni Lai ang mga hakbang ng European Parliament laban sa lumalawak na authoritarianism. Noong Abril, kinondena nito ang panukalang batas ng China tungkol sa ethnic unity dahil sa mga restriksiyon nito sa kultura, relihiyon, at wika. Noong nakaraang buwan, nagpasa rin ito ng resolusyon laban sa transnational repression ng China.

Ayon kay Lai, ipinapakita ng mga hakbang na ito ang matibay na paninindigan ng Europe para sa demokrasya, karapatang pantao, at iba pang universal values. Nagbibigay rin umano ito ng mahalagang suporta sa Taiwan.

Binigyang-diin ni Lai na kailangang magtulungan ang mga bansang may parehong pagpapahalaga upang mapalakas ang democratic resilience, maprotektahan ang kalayaan at demokrasya, at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon at sa buong mundo.

Sinabi rin niyang handang magbahagi ang Taiwan ng karanasan sa Poland at iba pang democratic partners. Nais din nitong palawakin ang kooperasyon sa artificial intelligence at iba pang mahahalagang larangan upang sabay na harapin ang authoritarian expansion at mga bagong hamon.

Ayon kay Lai, parehong may masiglang innovation ecosystem at matibay na technological foundation ang Taiwan at Poland. May malaki rin silang potensiyal na magtulungan sa artificial intelligence, semiconductors, drones, at green energy.

Umaasa si Lai na higit pang mapalalalim ng dalawang panig ang research and development cooperation, mapalalawak ang merkado, at makabubuo ng mas ligtas at mas matatag na democratic supply chain.

Sinabi naman ni Szydło na sa panahon ng global economic at digital transformation, mahalaga ang pagbuo ng mapagkakatiwalaang partnerships upang mapalakas ang national resilience.

Ayon sa kanya, itinuturing ng Poland at Europe ang Taiwan bilang mahalaga at mapagkakatiwalaang partner na nakabatay sa mutual respect. Pinuri rin niya ang mga nagawa ng Taiwan sa emerging technologies, artificial intelligence, at semiconductors.

Sinabi ni Szydło na ikinatutuwa niyang patuloy na lumalalim ang economic at trade cooperation ng Poland at Taiwan. Umaasa rin siyang magiging mas malapit pa ang relasyon ng dalawang panig.

Binigyang-diin niyang ang kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait ay hindi lamang mahalaga para sa Taiwan kundi may direktang epekto rin sa seguridad ng Europe.

Ayon sa kanya, naniniwala ang Polish delegation ng European Conservatives and Reformists Group na dapat lutasin nang mapayapa at alinsunod sa international law ang anumang sigalot sa Taiwan Strait. Mariin din silang tumututol sa paggamit ng puwersa.

Dagdag niya, dapat patuloy na palalimin ng European Union ang pakikipagtulungan sa mga mapagkakatiwalaang democratic partners, at isa ang Taiwan sa pinakamahalaga sa mga ito. Sinabi niyang patunay ang kanilang pagbisita na dapat umunlad ang relasyon ng Taiwan at Europe sa praktikal, bukas, dialogo-based, at pangmatagalang direksiyon.

Tiniyak din ni Szydło na inaasahan ng Poland ang patuloy na pakikipagtulungan sa Taiwan upang sama-samang maprotektahan ang kapayapaan at katatagan.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解