Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Taiwan Teams, Nag-uwi ng 6 Gold at 1 Silver sa World Choir Games sa Sweden

12/08/2026 12:00
Editor ng Pagsulat: 何薇薇
DF
Nipun Chorus, Nagwagi ng Gold Medal sa World Choir Games sa Sweden
Ginanap sa Helsingborg, Sweden ang ika-14 na World Choir Games, kung saan nagwagi ng gold medal sa Folklore with Accompaniment category ang Nipun Chorus mula sa Baolai, Kaohsiung.
Dahil din sa mahusay nilang performance sa nakaraang World Choir Games, inimbitahan ang grupo na magtanghal sa dalawang concert. (Larawan: CNA reporter Ku Yung-li, Helsingborg / Agosto 11, 2026)
DF Nipun Chorus, Nagwagi ng Gold Medal sa World Choir Games sa Sweden Ginanap sa Helsingborg, Sweden ang ika-14 na World Choir Games, kung saan nagwagi ng gold medal sa Folklore with Accompaniment category ang Nipun Chorus mula sa Baolai, Kaohsiung. Dahil din sa mahusay nilang performance sa nakaraang World Choir Games, inimbitahan ang grupo na magtanghal sa dalawang concert. (Larawan: CNA reporter Ku Yung-li, Helsingborg / Agosto 11, 2026)

Iniulat ng Central News Agency ngayong Agosto 11 na nagpakitang-gilas ang mga koponan mula Taiwan sa unang yugto ng 14th World Choir Games na ginanap sa Helsingborg, Sweden.

Nakamit ng Taiwan ang 5 gold awards sa Open Competition, at 1 gold at 1 silver medal sa Champions Competition.

Agad namang nagpadala ng congratulatory messages sina Pangulong Lai Ching-te at Vice President Hsiao Bi-khim sa pamamagitan ng Taiwan Representative Office in Sweden upang batiin ang mga koponan sa kanilang tagumpay at pagbibigay-karangalan sa Taiwan.

Nagtapos noong Agosto 9 ang unang yugto ng kompetisyon. Anim na choir mula Taiwan ang lumahok, kabilang ang dalawang grupo ng Bliss and Wisdom Choir, New Taipei City Youth Choir, elementary school choir ng National Nanke International Experimental High School, Taipei Municipal Sanyu Elementary School Choir, at Changhua County Dacun Elementary School Choir.

Sa Open Competition, nakamit ng mga Taiwanese choir ang kabuuang 5 gold awards.

Nakuha ng Bliss and Wisdom Choir ang unang puwesto at gold award sa Adult Female Choir category, gayundin ang unang puwesto at gold award sa Sacred Music category.

Nakuha naman ng Taipei Municipal Sanyu Elementary School Choir ang ikalawang puwesto at gold award.

Bukod sa Open Competition, dalawang Taiwanese choir na may sapat na international competition experience ang lumahok sa Champions Competition ngayong taon.

Ang Nipun Chorus mula sa Baolai, Kaohsiung ay nakakuha ng gold medal sa Folklore with Accompaniment category, habang ang New Taipei City Youth Choir ay nakakuha ng silver medal sa Children's Choir category.

Sa ngayon, nakapagtala na ang Taiwan ng kabuuang 6 gold at 1 silver sa kompetisyon.

Inimbitahan din ang mga Taiwanese choir na lumahok sa Friendship Concerts, kung saan nagtanghal sila kasama ang mga choir mula sa iba't ibang bahagi ng mundo sa mga pangunahing lugar sa Helsingborg.

Maraming international visitors ang huminto upang makinig sa kanilang pagtatanghal. Ibinahagi rin ng ilang Taiwanese na naninirahan sa Helsingborg sa social media ang kanilang sorpresa at saya dahil paglabas nila ng bahay ay nakarinig sila ng mga awiting Taiwanese.

Ang World Choir Games ay itinatag ng German organization na Interkultur at ginaganap kada dalawang taon mula noong 2000.

Isa ito sa pinakamalaking international choir competitions sa mundo at naglalayong isulong ang cross-cultural exchange at international friendship sa pamamagitan ng musika. Kilala rin ito bilang “Olympics of Choral Music.”

Ngayong taon, mahigit 200 choir mula sa mahigit 40 bansa, na binubuo ng mahigit 8,500 kalahok, ang dumalo sa kompetisyon sa Helsingborg, Sweden.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解